Yassi Pressman no hard feelings towards GMA for not giving her network contract

Yassi Pressman on not having network contract: “Hindi naman sa it doesn’t matter, pero I don’t mind naman na wala pa akong network contract ngayon. Basta kung saan ako aalagaan, e, di doon ako.”


Hindi raw masyadong ipinag-aalala ni Yassi Pressman kung wala pang TV station na nagbibigay ng network contract sa kanya.

Sa ngayon nga ay freelancer siya at ipinapaubaya niya sa kanyang management team sa Viva Artists Agency ang pagkuha ng mga proyekto para sa kanya.

Sabi ni Yassi, “Masaya naman ako na maraming opportunities [na dumarating ngayon].

“Hindi naman sa it doesn’t matter, pero I don’t mind naman na wala pa akong network contract ngayon.

“Basta kung saan ako aalagaan, e, di doon ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa pocket presscon ng bago niyang mini-series sa TV5, ang Wattpad Presents My Fiancé Since Birth, kung saan katambal niya si Vin Abrenica.

Ginanap ang presscon kahapon, Marso 5, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.

Kahit nga raw sa GMA Network, kung saan siya matagal nanatili at nagtrabaho, ay hindi siya nagtatampo na hindi siya nabigyan ng network contract.

“Four years ako sa GMA pero never po akong nagkaroon ng network contract.

“Pero thankful din naman ako sa GMA na doon ko nalaman na sobrang mahal ko pala yung pagsasayaw.

“Actually, bago ako nag-GMA, hindi ko alam na kaya ko palang gawin yung mga ginagawa ko doon.

“So, naging challenge yun sa akin para mas lalo ko pagbutihan lalo na kasabay ko nga yung magagaling na dancers, performers.

“Ngayon naman, parang nagsi-shift ako sa singing, ‘tapos sa hosting. Ayun, MTV every day [bilang VJ].”

Pero hindi naman daw puwedeng manatiling wala siyang trabaho pagkatapos niyang matanggal sa Sunday All Stars (SAS), ang weekly musical-variety show ng GMA.

Lahad ni Yassi, “Nung tinanggal naman ako sa SAS, may explanation naman silang ibinigay.

“Yung dahilan nila is, yun nga, babawasan ng oras, so kailangan nilang magtanggal ng artists.

“So, naiintindihan ko naman yun.

“Ang sa akin naman, kailangan kong kumilos kasi meron din naman akong pamilya na kailangang tulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan ko ring magtrabaho kasi wala naman ibang work na ibinigay sa akin.”

WORKING WITH TV5. Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Yassi sa TV5 sa pagbibigay sa kanya ng mga proyekto ngayon.

Pangalawang Wattpad Presents story na ni Yassi ang My Fiancé Since Birth.

Una niyang ginawa ang Wattpad Presents Mr. Popular Meets Miss Nobody Book 2: Still In Love, kasama sina Mark Neumann at Shaira Mae.

“Thankful naman ako sa TV5 kasi dalawang projects agad ang ginawa ko sa kanila.

“Ang difference? Kasi dito, show, ‘tapos two days lang [ang taping].

“So, magaan, madali, okay lahat ng staff.

“Na-appeciate ko yung pagiging welcoming talaga nila sa akin kahit hindi ako TV5 contract artist.”

Tinanong ba ng TV5 kung may contract siya sa GMA?

Ayon kay Yassi, “Oo naman, tsinek muna nila.

“Siyempre bago ako kinuha, dadaan muna iyan sa Viva, sa handler ko.

“At saka yung sa amin naman, maayos naman, kasi wala naman kaming contract [sa GMA].

“Malinis naman lahat, kasi kahit may MTV ako, iba naman yun, music channel naman yun.”

Kung mag-o-offer ba ang TV5 ng network contract sa kanya, tatanggapin niya?

Sagot niya, “Let’s see. Hindi ko pa alam, e, siyempre ang laking decision nun sa career na mag-sign.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN