Melai Cantiveros testifies John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are very much in love, "Kaya mabibigla na lang tayo."

Melai Cantiveros feels a surge of confidence when Maxene Magalona, Jolina Magdangal, and Nyoy Volante admit she’s a threat to their chance of winning in Your Face Sounds Familiar, the new celebrity competition of ABS-CBN: "Kinakabahan ako nung una kasi parang wala akong kuwenta dito. Thank you sa kanila, nabigyan ako ng lakas ng loob."


Isa si Melai Contiveros sa walong contestants ng singing and impersonation competition for celebrities, ang Your Face Sounds Familiar, na magsisimula na sa March 14 at 15 to be hosted by Billy Crawford.

Sa presscon proper nito noong March 5, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, tatlo sa mga contestants ang umamin na threatened sila kay Melai dahil nakikita nilang mahusay ito kahit hindi siya singer.

Sila ay sina Maxene Magalona, Jolina Magdangal, at Nyoy Volante.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melai, aminado ang komedyana na nakabawas sa sobrang kaba niya ang pahayag na ito ng ibang contestants.

“Ako, kinakabahan ako nung una kasi parang wala akong kuwenta dito, kabang-kaba ako pero nabigyan ako ng confidence.

"Thank you sa kanila, nabigyan ako ng lakas ng loob.

“Ang edge ko siguro ay gagawin ko ang lahat kasi 'di naman ako sumusuko sa lahat ng hamon ng buhay.

"Sa mga rehearsals, seryoso ako talaga, 'di ako puwedeng mag-kenkoy kasi magagalit ang mga direktor namin.

"Saka nakakaawa naman ang ABS kung ibibigay ko sa kanila ay 'di maganda.

"Sinusuwelduhan kami dito ng tama, dapat ibalik namin yung tama serbisyo.”

Kilalang komedyana si Melai pero hindi bilang isang singer.

Aminado ang aktres na sobra siyang napi-pressure, pero nakatulong daw na naging kaibigan niya ang pito pang contestants.

Ang apat pa na makakasagupa ni Melay ay sina Karla Estrada, Jay-R, Edgar Allan Guzman, at Tutti Caringal.


Sabi niya, “Thirteen weeks akong mapi-pressure dito, 13 weeks akong mai-stress.

"Kasi 'pag natapos na yung isang gagayahin, may kasunod na naman, iisipin mo naman yun.

"Pero very happy ako na after ng Two Wives, binigyan agad ako ng show.

“Nung una kinabahan ako pero nung nag-bonding na kami, hindi na.

"Sabi namin we will do our best and God will do the rest.”

Anong preparasyon ang ginagawa niya para sa show at sinu-sino bang mga singers ang pinasa niya sa listahan na gusto niyang tularan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling naman ako, pero 'di na ko umiinom ng tubig na malamig, nag-stretching ako.

"Kasi pag nagsayaw-sayaw na baka mabigla ang katawan ko, mahilo ako, 'di ba?

"Stretching, saka dapat by this time, fit ako. Kailangan talagang exercise kasi tiyan ko, malaki pa."

“Si Rihanna, Cindy Lauper, Jaya. Basta 'di ako mahihirapan, yung mga kamukha ko lang din.

"Kasi mahihirapan tayo diyan, pero ang kakaiba nga sa show na ito, 'di ibibigay ang kaya namin."

JOHN LLOYD AND ANGELICA. Matalik na kaibigan ni Melai si Angelica Panganiban kaya hindi maiwasan na usisain siya tungkol sa love life ng huli.

Sa isang interview kasi ay nabanggit ni Angelica na minsan ay binibiro na nito ang boyfriend na si John Lloyd Cruz tungkol sa engagement at pagpapakasal.

Pero sa isang interview naman sa aktor ay nabanggit nito na ang prayoridad niya muna ngayon ay trabaho at 'di pag-aasawa.

May ilan tuloy ang nagsabi na mukhang walang balak na pakasalan ni John Lloyd si Angelica, bagay na tinutulan naman ni Melai dahil alam daw niya kung gaano kamahal ng aktor ang matalik na kaibigan.

“Ngayon kasi 'di kami nag-ha-hang out, nag-hang out lang kami nung movie niya, nagpunta ako dun.

"Dati napag-uusapan, ever since, gusto na talaga naman na niya, pero siguro tuma-timing lang yung relationship.

"Kagaya ni John Lloyd, si Baby Boy, alam naman natin na career talaga ang priority niya.

"Sa kanila, napag-uusapan naman, 'di naman puwedeng ikaw ang babae, ikaw ang mag-ano, 'di ba?

"Siyempre, dapat lalake. Gustung-gusto naman niya talaga yun, si Baby Boy, gustong-gusto din yun.

"Kaya lang may prefect timing lang siguro na hinihintay, kaya mabibigla na lang tayo.

“Oo naman, 'wag naman silang mag-ganyan kasi yung dalawa, sobrang in love ang mga 'yan.

"Ibang-iba talaga ang love life niya kay Derek [Ramsay]. Itong kay John Lloyd, serious talaga sila pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang love talaga siya ni John Lloyd, ayoko na lang magsabi ng iba.

"Friend na kami ni Derek, basta ang masasabi ko sobrang love siya [Angelica] ni John Lloyd."

IN DEFENSE OF JASON. Nung makumpirma ang pagbubuntis ni Melai nuong 2013, marami ang nagduda kung kaya na ni Jason Francisco na magkaroon ng isang pamilya.

Hindi pa sila kasal noon ay naging isyu ang tampuhan nilang dalawa ni Angelica at ng iba pang kasama nila sa Banana Nite.

Masaya namang nagkuwento si Melai na dati pa ay naayos na ang kaunting tampuhan na ito at ninang pa nga si Angelica ng anak nila ni Jason.

“Sobrang okay na kami [Angelica], hindi pa ako nanganak, nag-text si Twinny sa number ko.

"Tulog ako nun, ang sumagot sa kanya ay si Jason.

"Sabi ni Twinny, 'I’m very sorry na-misinterpret nila si Jason, na-judge nila, na 'di dapat mag-judge ng tao.'

"So si Jason naman, siya ang nag-reply kasi tulog ako, 'Ate Angel, okay lang yun.'

“Sobrang nabalik, ninang nga siya ni Mela.

"Ang isyu lang nun, 'di ko nabigay yung invitation e sobrang late nung invitation kasi rush ang pagkakasal namin.

"Kasi gusto ni Jason, next year, ayaw ng mama ko, kaya nangarag kami nun.

"'Di naman din ako kumuha ng mga bridesmaid na mga artista kasi kinuha ko mga pinsan.

"Kasi sila ang mga kasama ko ever since kahit di pa ako artista, sila naman talaga ng excited na maglakad sa aisle.

"Saka naiintindihan naman nila.”

Pahabol pa niya tungkol sa asawa, “Responsible naman talaga siya, mali lang ang pagkakilala sa kanya.

"Kasi he’s very totoo sa sarili niya… napakatotoo niya kaya lagi siyang namamali sa showbiz

"Alam naman natin na ang showbiz pag may naririnig ang ibang tao.

"Pero responsible talaga siya, hindi nga yun umiinom, 'di naninigarilyo, walang bisyo, ano pa ang hahanapin mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na nga may nag-aaya sa kanya, ako na ang nagsasabi, 'Ga, uminom ka.'

"Kasi, siyempre, 'di rin ako maka-socialize kundi siya magso-socialize. Mahihiya naman ako sa sarili ko."

HANDS-ON DAD. Ikinasal sina Melai at Jason nung December 9, 2013, sa General Santos City.

Biniyayaan sila ng isang anak na babae, si Amelia Lucille.

Bilib na bilib si Melai sa nakikita niyang pag-aalaga at pagmamahal ng asawa sa kanilang anak.

“Very happy, very happy kami, siyempre bago pa lang, alangan naman bago pa lang, 'di ka na masaya.

"May mga minimal na away like nasaan ang ganito? But then nag-mature kami nung lumabas ang aming Amelia Lucille.

"Nag-mature talaga kaming dalawa, 'di kami nag-aaway gaya dati nung mga teenagers pa lang kami.

"'Di nga kami puwedeng mag-usap nang malakas na parang nagsisigawan kasi yung anak namin sisibi agad, iiyak.

"Sensitive, so very careful kami dun.

“Paglabas pa lang ni Mela, Papa niya talaga, hands-on talaga siya… siya talaga yun.

"Natatakot siya na mahawakan ng iba kasi iba talaga pag magulang.

"Pero ngayon, hands-on kaming dalawa. May yaya, kasi parehong nagte-taping kami.

"Pinapunta namin ang mama ko diyan para salitan, mama niya, mama ko para safe talaga ang anak namin.

“Ako disciplinarian, si Jason over-protective, ayaw niya na nakakagat ng lamok.

"Sobrang happy naman ako kasi sobrang love niya ang anak namin. Nagulat ako paglabas ni Mela…

"Kasi nung buntis pa lang ako, sabi ni niya sa akin, 'Baka 'di ko mahawakan ang bata, ha, kasi takot ako, baka kung mapano.'”

"Alam ninyo paglabas, siya ang unang humawak.

“Sa pagpapalit ng diapers, salitan kami. Pag umuuwi siya ng three a.m., pag umiiyak ang bata, siya ang nagtitimpla ng gatas.”

Nang tanungin namin kung kaylan nila balak sundan ang anak, ilang taon pa ang nakikita ni Melai na bibilangin bago sila mag-baby uli ni Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After three years pa siguro, five years kasi normal akong nanganak at sobrang sakit na manganak nang normal.

"Grabe ang sakit, 'tapos three days labor ako.

"Pinasadya ko na overdue siya kasi, nag-e-enjoy na yung bata sa loob.

"Nine months ko na siyang dinala, OA na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN