Mich Liggayu of JaMich on bashers: “Pinapabayaan ko na lang po sila..."

Hindi pa raw alam ni Mich Liggayu kung paano mag-move on sa ngayon mula sa pagpanaw ng nobyong si Jam Sebastian, ang ka-tandem niya sa duo nilang JaMich. Pero ipagpapatuloy naman daw niya ang nasimulan nilang career sa showbiz.


Patuloy pa ring dumadagsa ang mga tagahanga ni Jam Sebastian, ang kalahati ng YouTube sensation na JaMich.

Pumanaw si Jam sa edad na 28 nitong nakaraang Miyerkules, March 4, dahil sa sakit na lung cancer.

Kagabi, March 6, tumungo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lamay ni Jam sa Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Parañaque.

Isang misa ang ginanap bandang alas otso ng gabi kaya pansamantalang itinigil ang public viewing.

(Photo by Arniel C. Serato)

Matiyaga namang nag-antay ang mga fans nito sa labas ng chapel habang ongoing ang misa.

(Photos by Arniel C. Serato)

Namataan ng PEP ang ina ni Jam na si Maricar na abala sa pag-entertain ng mga bisita pati na rin ang girlfriend na si Mich Liggayu, ang ka-tandem ni Jam sa grupong JaMich.

Sa Linggo, March 8, ang libing ni Jam base na rin sa inanunsiyo ng kapatid nitong si Yexel Sebastian sa Facebook.

Saad pa sa post, “Ang libing po ni Jam ay Sunday na. Sa Manila Memorial Sucat, 3 p.m.

“Pero dadaan po muna sa Pilar Village Parish church ng 1:30 p.m.

“Ngayon po, nakaburol si Jam sa Loyola Memorial, Sucat.

“Kayo po ay welcome pumunta. God bless.”

BASHERS. Nitong mga huling sandali ni Jam ay inakusahan ng bashers si Mich na mahilig sa publisidad, kaya naman hiningan ng PEP ang dalaga ng reaksiyon tungkol dito.

Eksklusibong pahayag nito, “Actually nung nakausap ko po si Jam, parang sinabihan din niya ako tungkol diyan, e. Kasi before po, ang pinaka-affected sa amin pag may mga negative ay siya. Tapos… pero nung time na yun, ako naman yung nili-lift up niya.

“Parang binabalik niya kung ano man yung ginagawa ko sa kanya before.

“'Tapos yun po parang, yun yung naalala ko na lang lagi na sinasabi niya na huwag ko daw pansinin mga negative people. Kasi anuman lang yun sa napakadaming nagmamahal po sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan pa sa mga batikos na nababasa sa Internet ay ang labis daw na pagmi-make up nito sa gitna ng pagluluksa.


Isang post naman sa Facebook ang kumalat tungkol sa diumano’y pasasabi niya ng "I love you" sa isang guy kahit na naghihingalo na si Jam.

Ayon pa sa post, ang totoo daw ay inantay na lamang niya na tuluyan nang mamahinga ang boyfriend.

Hindi na nabanggit sa dalaga ang lahat ng ito nang nakapanayam namin siya, pero nababasa ba niya ang ilan sa mga pagpunang ito?

Sagot ni Mich, “Hindi ko na napapansin yung mga ganun kasi alam ko po na kahit na ano man po ang mangyari, may masasabi at masasabi sa’yo yung mga tao.

“Yun po, pinapabayaan ko na lang po sila kasi ang importante naman po ay yung love na nari-receive ko from our family and friends.”

May iba pang nagsasabi na may namagitang espesyal kay Mich at sa isang baguhang singer na si Neo Domingo.

Gulat na sagot nito, “Hala. A, nakasama po namin yung before. Friend po namin siya actually.”


MOVING ON. Hindi pa rin daw alam ni Mich kung paano mag-move on ngayong wala na ang kanyang nobyo.

Lahad niya, “Basta sinabi ko lang po sa family ko na ayoko muna mag-isa kasi hindi ko talaga kakayanin.”

Halos wala na raw siyang luha sa kakaiyak. Pero hindi pa rin daw maiwasang paminsan-minsa ay may mangingilid pa ring luha sa mga mata niya lalo pag naaalala niya ang pinagsamahan nila ni Jam.

Dasal daw niya, “Na i-guide pa rin po si Jam na dun papunta sa Kingdom ni Lord. And i-bless din po kami na mas maging matatag pa.

"And sinasabi ko sa kanya [Jam] na magkikita-kita naman kami ulit pagdating ng panahon.”

Tuloy naman daw ang showbiz career niya under Viva Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN