Lani Mercado on Jolo Revilla’s condition: "He’s improving."

Lani Mercado said that her son Jolo and girlfriend Jodi Sta. Maria are okay, "They support each other lalo na sa mga ganitong sitwasyon na kailangan ni Jolo ng suporta at pagmamahal."


Isang linggo na ang nakalipas mula nang napabalita ang umano'y aksidenteng pagkakabaril sa sarili ng Cavite vice governor sa si Jolo Revilla.

Hindi pa rin malinaw kung aksidente o sadya ang insidente pero sa kasalukuyan, masayang ibinahagi ng ina ni Jolo na si Lani Mercado na mabuti na ang kalagayan ng anak.

Read: Jolo Revilla attempted to commit suicide, says source; Revilla family spokesman says it was accidental

JOLO’S CONDITION. Kanina, March 7, sa panayam ng Startalk kay Cavite 2nd District Representative Lani Mercado, sinabi nitong nag-improve na ang kalagayan ng anak.

Aniya, “He’s improving. Natutuwa kami sa mga improvements ng kanyang kalagayan.

“This morning, after his x-ray, chineck yung bleeding sa chest niya, we were advised na puwede nang tanggalin yung chest tube na tinatawag na nilagay sa kanang chest niya.

“This evening ay papasok siya sa or ngayon hapon at tatahiin yun entry point ng bala sa right chest niya.”

Kaninang hapon ay sumailalim si Jolo sa isang operasyon para tahiin ang sugat niya sa dibdib.

Baka lumabas na raw ito ng ospital "in two days," March 9.

Pero sa ngayon, “...o-obserbahan muna siya after 24 hours na tinanggal yung tube.”

Pinayuhan daw sila ng mga doctors na pagpahingahin muna si Jolo ng 30 days para tuluyang maka-recover.

“Hinay-hinay muna, sinabihan siya ng doctor to take a leave for 30 days.

“Kasi ang injury niya ay sa lungs, hindi siya pwede ma-expose sa mga tao muna. So dapat malayo siya sa infection, so we’ll take it one day at a time.”


LANI'S MESSAGE FOR JOLO. Hiningan naman ni Joey De Leon si Lani ng mensahe para sa anak na si Jolo, “Sa aking anak basta, take it easy.

“Basta kailangan maging malakas tayo. Magpalakas ka kasi marami pa tayong susuunging mga pagsubok at pakikipaglaban sa buhay.

“Nagpapasalamat din nga pala si Jolo at ang buong pamilya namin sa mga taong nanalangin since this happened a week ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaking bagay ho yung mga panalangin niyo sa kanya bilang yun ang sa tingin kong nagpalakas ng kalagayan niya.

"With God’s intervention nag-improve ang kanyang kalagayan.”

Sinasabing nakadagdag din sa pagbuti ng kalagayan ni Jolo ang pagdalaw ng amang si Bong Revilla sa kanya noong nakaraang March 3, sa ospital. Naging emosyunal ang pagkikita ng mag-ama.

Read: Cavite Vice Governor Jolo Revilla apologizes to dad Senator Bong Revilla



JOLO’S RELATIONSHIP WITH JODI. Samantala, sa napabalitang isa sa mga dahilan ng pagbabaril ni Jolo ay ang problema sa relasyon niya kay Jodi Sta. Maria.

Pero nilinaw ni Lani na okay ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, katuwang daw nito ang Kapamilya actress sa pagbabantay sa ospital.

“Nandito naman si Jodi, nakasubaybay kay Jolo.

“Naghahalinhinan kami ng pag-alaga sa kanya.

“I think they’re okay, wala naman problema sa kanilang dalawa.

“They support each other lalo na sa mga ganitong sitwasyon na kailangan ni Jolo ng suporta at pagmamahal.”

Muli, pinasalamatan ni Lani ang lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para sa pagbuti ng kalagayan ng anak.

“Nagpapasalamat ako sa buong pamilya namin. Lahat ng mga pastors na dumalaw dito sa amin, mga pari na nagdasal para sa amin.

“And nagpapasalamat din po ako sa mga justices ng sandigan ng ombudsman dahil pinayagan po nilang dumalaw ang asawa ko.

"Dahil sa tingin ko, isa yun sa mga factors kaya lumakas si Jolo.

“Nagpapasalamat din ako sa lahat ng members ng pamilya namin, mga in-laws ko, mga kapatid ko, pati ang mother-in-law ko na magse-celebrate ng kanyang kaarawan bukas, kahit na naka-wheelchair ay dumalaw pa siya sa ICU kay Jolo.

“Kaya malaking bagay yung pagmamahal at suporta nila sa amin lalo na ngayon sa panahon ng pagsubok at dagok at problema sa buhay namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN