Jolina Magdangal not pressured by new TV show: “Been there, done that.”

Jolina Magdangal says she doesn’t feel pressured performing in her new celebrity impersonation show, Your Face Sounds Familiar. “Hindi ko na rin iniisip yun. Ayoko na rin isipin as competition ng text. Mas gusto kong isipin na minahal ako ng mga tao dahil nagustuhan nila ang performance ko," she says.


Panibagong Jolina Magdangal na naman ang mapapanood ng mga tao sa bago niyang programa sa ABS-CBN, ang Your Face Sounds Familiar, na magsisimula nang umere sa March 14.

Eight personalities will compete in the local version of "Your Face Sounds Familiar," a hit celebrity impersonation show that originated in Spain.

Isa si Jolina sa walong celebs na mag-impersonate ng mga icons. Ang iba pang personalidad ay sina: JayR, Edgar Allan Guzman, Karla Estrada, Melai Cantiveros, Maxene Magalona, Tutti Caringal, at Nyoy Volante.

Ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina nang makausap namin siya sa presscon ng show noong March 5 sa Dolphy Theater ay kung hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Ayon kay Jolina, “Noong una, oo, kasi ang bungad agad sa akin, competition. Ayoko talaga ng mga ganun.

“Yung sa Singing Bee, napasubo na talaga ko run, pero kinarir ko na rin. Nandoon na rin ako. Sabi ko dati, promo kaya ako nandun.

“Takot talaga ko sa mga competition. Pero noong inexplain sa akin, actually, hindi siya competition. Para kaming performers. Nagkaroon na lang ng score.

“Ang dapat isipin na lang, may scores kayo sa bandang huli.”

Kung nagkataon daw na weekly ay may matatanggal sa kanilang walong contestants, posible raw na hindi niya tinanggap ang Your Face Sounds Familiar.

Ayon kay Jolina, “Ayoko na nang ganung pressure. Kasi siguro, nagpapadede pa 'ko, ayokong mawala.

“At saka siguro, ayoko na nang ganung stress. Been there, done that. Ayoko nang ma-stress talaga.”

NOT A COMPETITION. Sinabi nga namin kay Jolina na bago ang press launch nila, kunsaan ipinaliwanag na sa entertainment press kung paano ang show at ang mechanics nito, may ilan na nagre-react kung bakit daw pumayag pa siyang makipag-contest.

Naging judge, mentor na nga raw siya dati ng ibang reality shows.

Sabi naman ni Jolina, “Hindi kasi siya laban talaga. Iba ‘to. Kasi doon sa mga nagdya-judge ako at nagme-mentor, umpisa nila yun as sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito kasi, mag-i-impersonate kami, so bago ‘to sa lahat ng mga nagawa ko. Ako pa naman, gusto kong nae-excite ako sa mga ginagawa ko.

“Meron akong drama na Flordeliza na bago sa ginagawa ko dahil hindi naman ako dramatic actress, alam mo ‘yan. Tapos dito, nae-extend—first time ko ‘tong ginagawa.”

Sa positibong pananaw naman, nakikita na hindi siya takot sa mga hamon pagdating sa kanyang sining; na kahit ilang dekada na rin siya sa industriya, hindi siya yung nakakahon lang.

Lahad pa niya, “Siguro kasi ako, lalo na kapag sinabi mong fun ‘to, doon ako mag-i-stick. Ayoko nang mag-stick as competition.

“So gusto ko doon na ako mag-stick sa parang variety show. Lahat kami may spot number and para mas ma-challenge kami, may competition konti. Pero ayoko siyang isipin talaga na ganun.

“Tinitingnan ko siya as variety show na this time, mas mahaba-haba na ang exposure ko. Mas mahaba-haba ang puwede kong ipakita na hindi kami... na effort talaga. Pati looks, gaya e.”

CELEBRITY PEGS. Sa labintatlong linggo ng show, labintatlo din ang celebrities na gagayahin ng bawat isa sa kanila.

Sa huling episode nila, doon pa lamang papasok ang text voting para malaman kung sino talaga ang mananalo sa kanilang lahat.

Pagdating sa text voting, may kumpiyansa naman ba siya pagdating sa mga fans niya?

Ani Jolina, “Hindi ko na rin iniisip yun. Ayoko na rin isipin na competition ang text. Mas gusto kong isipin na minahal ako ng mga tao dahil nagustuhan nila ang performance ko.

“Ngayon baka yung ibang tao, gusto nilang nanonood ng TV, pero hindi sila ma-text. Hindi sila yung ume-effort na mag-text, pero gusto nila ang performance ko, okey na 'ko.

“Basta naging happy ako sa performance ko, okey na ko.”

Sa isang banda, bilang walo nga silang mga celebrities na magpe-perform at mag-i-impersonate, paano siya lalaban sa show nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi laban, e,” pagklaro niya.

“Basta gagawin ko lang ang binigay sa akin.”

Ilan sa mga gusto raw niyang i-impersonate kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay sina Madonna, Michael Jackson, at Karen Carpenter.

Sabi pa niya, “Hindi pa rin namin alam kung sino ang i-impersonate namin. May iconizer, doon malalaman kung sino gagayahin namin.

“At saka, parang iniisip ko na lang, competition man ito or ano—masaya 'ko na makita ng mga tao.

“At saka, mga artista rin ang kasama ko. Matatakot ako kung parang reality na sabihin ititira kayo sa ganito. Hindi, e.

“Saturday-Sunday lang kami, 'tapos ite-tape ng isang araw.”

HANDS-ON MOM. Sa isang banda, bukod sa Your Face Sounds Familiar, meron pa siyang taping para sa Flordeliza at hanggang ngayon, nagpu-full breastfeeding pa rin siya sa one-year old na anak nila ni Mark Escueta na si Pelé.

Hindi ba siya nahihirapan?

Pag-amin niya, “Mahirap, mahirap.

“Mahirap pero kapag binibigyan ka ng opportunity at ready ang katawan mo na gumawa ng mga bagay na alam mong kaya mong gawin, bakit mo tatanggihan, ‘di ba?

“And I think, timing din ang lahat nang ibigay ang Flordeliza, ibigay ‘to. Lumalaki na rin si Pelé and I think, yung pag-monitor niya ng one-year old, nagawa ko na rin yun.

“And hindi rin naman, 'Okey, nag-one year old na siya, puwede ko na siyang iwan.' Hindi e... kasama ko pa rin siya.

“At isa yun sa pinagdarasal ko, magka-show man ako o hindi, kailangan hands-on pa rin ako.”

Masaya ring kinuwento ni Jolina na nang mag-isang taon daw ang anak, pati siya ay niregaluhan ng mister niya.

Masaya niyang balita, “Binigyan ako ni Mark ng gift. Binigyan niya ako ng shoes. Kasi one year na rin akong nagpapadede.

“So effort sa kanya yun.”

HAPPY TO BE KAPAMILYA AGAIN. Late last year lang nang bumalik muli si Jolina sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang masaya siya talaga sa pagiging Kapamilya ulit?

“Happy akong talaga.

“Yung pagbalik ko pa lang, masaya na talaga 'ko.

“'Tapos biglang ngayon may tatawag na, 'O ‘eto gagawin mo ‘to.' Talagang, 'Ha, hindi pa 'tapos ang Flordeliza, meron na agad?'

“And I think, meron pang inaayos so, happy talaga,” saad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN