Dingdong Dantes sympathizes with the families of the Fallen 44; will not run for public office in 2016

Dingdong Dantes sympathizes with the families of the 44 police officers who perished during the January 2015 clash in Mamasapano, Maguindanao: “Grabe, grabe! E, lolo ko pulis, e. So talagang ramdam na ramdam ko yung pagdadalamhati nila.”


Pari ang papel ni Dingdong Dantes sa Pari Koy ng GMA-7 na ipapalabas na simula bukas, March 9.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kung noong bata siya ay naging pangarap niya ang maging isang pari.

“Hindi, pero nagkaroon ng time na nag-role-playing ako na pari.

“Parang may time na nagmimisa ako kunyari 'tapos yung mga kalaro ko yung mga kapatid kong bata, 'tapos yung ostiya, alam mo yung Haw Flakes,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Dingdong.

Ang maging isang sundalo raw ang ambisyon ng Primetime King noon.

Kaya grabe ang epekto kay Dingdong yung nangyari sa mga pulis ng Special Action Force (SAF) o ang tinaguriang Fallen 44.

Sabi niya, “Grabe, grabe! E, lolo ko pulis, e.

“So talagang ramdam na ramdam ko yung pagdadalamhati nila.”

Ano ang opinion niya sa nangyayaring imbestigasyon sa naganap na trahedya sa 44 na kapulisan?

“Well, I think they’re gonna come out with the result of the investigation soon, so iyon na po ang antayin natin,” lahad niya.

Ano ang inaasahan niyang maging resulta?

“Maging resulta?

“E, 'di siyempre magagandang rekomendasyon sa sigurong hindi magandang nangyaring koordinasyon o kung anuman.

“Lahat ng mga butas at mga napuna nilang pagkukulang, e, magawan na nila ng mga polisiya para hindi na siya maulit.

“Because that’s the only thing na pupuwede tayong... that we can all move forward with, kapag we learn from the past and we make sure that it does not happen again.

“And strengthen our ano, i-strengthen yung mga panukala natin,” pahayag niya.

POLITICAL PLANS. Nalalapit na ang eleksyon sa May 2016, at marami ang nag-aabang kung tatakbo nga ba si Dingdong para sa isang posisyon sa gobyerno.

Ano na ba ang plano niya?

“Wala po. Ako po, basta po ako e, mahalaga ang maninilbihan ako sa aking parokya,” at tumawa ang Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maninilbihan ako sa aking parokya, na tuluy-tuloy pa ang misa.

“At may pamilya pa akong itataguyod.”

ADVICE FROM PRIESTS. Bilang si Father Kokoy sa Pari Koy, may payo raw sa kanya ang kaibigan niyang pari na si Father Tito Caluag.

“You know, make sure that you are a fun person. Because you know it attracts positivity, it attracts people.

“But then after that fun, after yung kasiyahan, there should always be an underlying message na ikaw ay tagahatid ng magandang balita.

“So yung let’s say, yung pagiging jolly mo, ay isang pamamaraan pero pagdating na sa pag-deliver ng message, seryoso.”

S Father Erik Santos naman na isa rin sa mga consultants ng show ay may payo sa kanya.

“Si Father Erik talaga, in terms of characterization, siya po talaga yata ang ginagawang peg ng mga writers.

“Kaya nung nakilala ko siya, naalala ko nung time na una ko siyang nakilala noong 2005, tuwang-tuwa ako dahil yung impression na nakuha ko talaga nung una ko siyang narinig sa misa e, iyon talaga yung tumatak sa akin.

“Siya ay isang paring talagang hahangaan mo, 'di ba? Matutuwa ka sa kanya, and at the same time, marami akong matututunan.”

Hindi ba siya nagtaka na kung kailan may-asawa na siya ay 'tsaka pa siya nabigyan ng role bilang isang pari?

“Hindi naman,” at natawa si Dingdong.

“Actually, mas okay nga dahil ngayon mas inspired ako.”

Hindi ba siya binibiro ng misis niyang si Marian Rivera na ‘Father, bless me!’

“Hindi naman. Basta sabi ko kung kailangang mangumpisal ng character niya dun sa isang show niya, alam naman niya kung nasaan yung parokya namin,” pahayag niya.

EXCITED FOR MARIAN'S NEW SHOW. Excited daw si Dingdong sa role ni Marian sa upcoming na soap opera nito na The Rich Man’s Daughter.

Hindi raw siya tumutol na tomboy ang papel ni Marian sa nabanggit na show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, kasi it’s a role and maganda yung may bago tayong naio-offer parati sa ating mga viewers.

“And siguro more than the role parati naman tatanungin natin. Ano ba yung aral pagkatapos, 'di ba?

“So dun naman din ako excited malaman kung ano ba yung magiging aral ng show na yun, bukod sa mae-entertain ka, 'di ba?

“So that’s what we are all looking forward to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN