Julia Barretto confirms open communication with Aunt Claudine: “Never naman kami nag-away.”

Kinumpirma ni Julia Barretto na dadalo sa kanyang debut sa darating na March 10 ang kanyang tiyahing si Claudine Barretto. Pinabulaanan naman nitong may espesyal na namagitan sa kanila ni Rayver Cruz at Iñigo Pascual.


Ayon kay Julia Barretto, bukas na raw ang komunikasyon nila ni Claudine Barretto, ang kanyang tiyahin na tinatawag nila bilang Mama Pretty.

Matatandaang naipit ang pangalan ni Julia sa awayan ng kanyang inang si Marjorie at tiyahin na si Gretchen laban kay Claudine.

Pinagbintangan ni Marjorie at Gretchen na si Claudine ang naging basher ni Julia noong 2013.

Read: Sisters Gretchen and Marjorie Barretto confront mysterious Instagram user because of "her evil ways"

Ngayong magdidiwang na siya ng kanyang 18th birthday sa darating na March 10, kinumpirma ni Julia na nag-uusap na sila ni Claudine.

Kuwento niya sa The Buzz ngayong hapon, March 8, “Yes, the last time we talked, she called me, yesterday… the other day.

“Yeah, we talk.

“Never naman kami nag-away. Actually that’s the thing. The public, they are making this stuff up...

“Parang the truth is, I never really got involved in any of the drama.

“No talaga, wala akong nakaaway. That’s how they are putting it kasi out there, e. I just want to make it clear, wala akong nakaaway.”

Dahil uso ngayon ang remake ng mga pelikula at teleserye, ano ang gusto niyang i-remake sa mga nagawang serye at pelikula ni Claudine?

Saad niya, “Movie, definitely Anak. And that’s my answer everytime 'pag tinatanong sa akin.”

So puwede bang ang role ni Governor Vilma Santos sa Anak ay gagampanan ng kanyang Tita Claudine?

Kinikilig na tugon nito, “Bakit hindi? Parang bata na excited, please.”

Dadalo ba si Claudine sa kanyang debut? Tugon niya, “Yes, she’s gonna be there.”


ON RAYVER CRUZ AND IÑIGO PASCUAL. Nali-link daw ngayon ang Kapamilya actor na si Rayver Cruz sa kanya. Nakita raw kasi ang dalawa na magkasamang nanuod ng sine.

Nagulat ang young actress sa balitang ito. Grupo raw silang lumabas noong panahong yun.

Kuwento niya, “Group, sige na nga. I’m surprised iba-iba na yung nali-link sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That time, I know Rayver already explained this. But then, he explained it right na, London, Barrio Fiesta, we got close with mom and me, kasi I’m a minor, so I’m with my mom ‘di ba?”

Paglilinaw pa niya, “To make it clear, we’re friends, we’re good friends. The picture that I’ve seen, ang dami talaga namin nun. Nakuhanan lang kaming dalawa.”

Hindi naman daw sila nakanuod ng pelikula noong mga panahong yun kundi kumain lang daw sila.

Ang isa pang nali-link sa kanya ay si Iñigo Pascual.

Nanliligaw ba ito sa kanya? Sagot nito, “Not even. No.”

Sa March 22 naman ay magtatapos na si Julia ng kanyang high school education. Business management naman daw ang kanyang kukuning kurso sa kolehiyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN