Jolo Revilla leaves hospital to continue recovery at Alabang home; Lani Mercado denies problem between Jolo and Jodi Sta. Maria

Cavite Vice Governor Jolo Revilla’s full recovery will take three to four weeks before he can go back to work, says Revilla family’s spokesman Atty. Raymond Fortun. "He will be recuperating and under the care of his mom at the latter’s house in Alabang," he adds.


Nakalabas na ng ospital si Cavite Vice Governor Jolo Revilla noong Linggo ng gabi, March 8, matapos ng walong araw nitong pagkaka-confine sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City.

Kaugnay ito ng aksidenteng pagkakabaril ni Jolo sa sa sarili habang naglilinis diumano ng baril sa bahay ng pamilya Revilla sa Ayala Alabang, noong March 1.

Ayon sa ulat ng dzBB, bandang alas-siete ng gabi ng Linggo nang makalabas ng ospital si Jolo.

Dumiretso ang bise gobernador sa bahay nila sa Alabang upang doon ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling.

Sabado, March 7, nang ibahagi ni Cavite Representative Lani Mercado ang tungkol sa matagumpay na operasyon kay Jolo, kung saan inalis ang chest tube sa kanang bahagi ng dibdib nito.

Bukod kay Lani, tutok din ang girlfriend ni Jolo na si Jodi Sta. Maria sa pag-aalaga sa bise gobernador.

Sa isang hiwalay na ulat, mismong ang ina ni Jolo ang nagpatunay na kasama niya si Jodi na nagbabantay kay Jolo sa ospital.

Pinabulaanan din ng actress-politician ang kumalat na espekulasyong may pinagdadaanang problema ang relasyon ng magkasintahan.

"I think they’re okay. Wala namang problema sa kanilang dalawa.

“They support each other lalo na sa kanitong sitwasyon na kailangan ni Jolo ng suporta, pagmamahal,” saad ni Lani sa panayam ng Startalk noong Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN