Gretchen Barretto flies to London; will not attend niece Julia’s debut party

Grerchen Barretto on celebrating her 45th birthday: "I have all the reasons to be happy. I’m 45 years old. I have my career, I have Tony and Dominique, I have the anchor of my life, yung naging pamilya ko for the past 21 years, I have friends. I think I’ve learned to enjoy what I have and not look for what I didn’t have."


Natupad na ang pangarap ni Gretchen Barretto na manalo ng acting award mula sa PMPC Star Awards for Movies.

Siya ang itinanghal na Movie Supporting Actress of the Year para sa pagganap niya sa The Trial.

Ngunit may kahati si Gretchen sa award—ang kanyang co-star sa pelikula na si Sylvia Sanchez.

Aminado naman ang kontrobersiyal na aktres na sa lahat ng co-nominees niya ay si Slyvia ang kanyang kinatatakutan.

“Siya yung kinatatakutan ko, actually.

“I always say, ‘Bruha ka talaga. Ikaw pa ang katabi ko!’

“But she deserves it, she really deserves it, sinabi ko yun sa last award ko rin.”

Ginanap ang 31st Star Awards for Movies nitong Linggo, March 8, sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Maliban sa mga pinasalamatan niya sa kanyang acceptance speech ay nagpahabol pa si Gretchen ng pasasalamat nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards night.

Sabi niya, “Well, marami yata akong nakalimutan…

“I don’t know if I said thank you to Mother Lily, siya ang nag-umpisa ng aking karera nung 1984.”

Dagdag ng aktres, “Puwede na akong umalis ng London.

“My daughter [Dominique Cojuangco] said, ‘Go get that award, Mom!’

“I’m happy to take this with me. It’s gonna be a happy trip.”

Ngayong umaga, March 9, ang flight ni Gretchen papuntang London, England upang bisitahin ang anak nila ni Tonyboy Cojuangco na si Dominique.

Bukod sa kanila ni Slyvia, nanalo rin si John Lloyd Cruz bilang Movie Actor of the Year para sa The Trial.

Saad ni Gretchen, “Yes, John Lloyd won and Chito [Roño] also won in the other award-giving bodies.

“Richard [Gomez] also won… hindi ako nagpasalamat kay Richard, I forgot. But I will just thank him personally.

“Blessed kami maybe because we all pray very hard and we all love our craft, we love the business, we love each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, again, we go back to respect, respect with our co-actors, our directors, people we work with and always having a grateful heart.”

GRETCHEN’S BIRTHDAY. Noong March 6 ay nag-celebrate ng kanyang ika-45 kaarawan si Gretchen.

Paano niya ipinagdiwang ang kanyang kaarawan at mayroon pa ba siyang birthday gift na gustong hilingin?

Pahayag ni Gretchen, “Although tapos na ang birthday ko, it will always be a welcome ‘pag napupuna ang ating hirap, yung dedication natin sa ating craft. It will always be nice.

“Mas nagiging inspirasyon ko na maging mas mabuti, to be a better actor for everybody.

“Not only for my audience, but for myself, for Tony and Dominique to be proud.”

Dagdag niya, “Very hectic ‘coz I’m not here for a long time.

“Aalis ako tomorrow morning, first flight nasa airport na ako 5 in the morning.

“I have to celebrate with my daughter and my friends also.

“Mayroon kaming rule sa bahay na ‘pag nagbi-birthday, it’s a month-long celebration.

“Ewan ko kung anong klase yun, pero nakakapagod din pala.

“London, every two months naman nandun ako.”

Kuwento pa ni Gretchen, “Alam mo, before my birthday, tinawagan ako ni Tony papunta akong Manaoag [Pangasinan], ‘Baba, what do you want for your birthday?’

“Talagang hanggang ngayon, ‘di ko alam ang gusto ko.

“Sabi ko, lahat na yata naibigay na sa akin.

“Siguro gusto ko na lang manalo tonight, I wanna get over the tension and the excitement.”

Sa kabila ng mga mabibigat na pinagdaanan sa buhay at sa problema ng pamilya Barretto sa kasalukuyan, positibo pa ring hinaharap ni Gretchen ang buhay.

Pahayag niya, “I have all the reasons to be happy.

“I’m 45 years old. I have my career, I have Tony and Dominique, I have the anchor of my life, yung naging pamilya ko for the past 21 years, I have friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I’ve learned to enjoy what I have and not look for what I didn’t have.

“To wake up every morning knowing that you’re healthy and the people around you are healthy and alive…

“There is really so much to be grateful for.”

JULIA’S DEBUT. Dahil lumipad na patungong London si Gretchen, kumpirmadong hindi siya dadalo sa debut ng pamangkin na si Julia Barretto bukas, March 10.

“Yes, but I don’t wanna talk about it. I demand respect.

“Tonight is my night and it’s the birthday of Julia.

“It will be her night, so let’s give it to her,” pakiusap ng aktres.

Nang tanungin kung may hinanda siyang regalo para sa pamangkin, umiwas na sagutin ito ni Gretchen at ipinunto ang salitang “respeto.”

“Do you know respect? I hope that’s clear.

“You cannot force me to say anything you want to hear.

“When I say no, it’s no.”

Dagdag niya, “We always pray.

“You know, what I’ve also learned is to respect people, people’s emotion, and that’s really important—to know what respect means.”

UPCOMING PROJECTS. Masaya at kuntento sa itinatakbo ng career sa ABS-CBN at sa Star Cinema, handa raw si Gretchen na maghintay sa magagandang proyekto na ibibigay pa sa kanya ng home network.

“I’m very happy with ABS-CBN, I’m very happy with Star Cinema.

“The offers always come from them…

“I trust that whatever is given to me would be a good one, because lahat ng ibinigay sa akin, talaga namang nabiyayaan tayo sa ratings, sa work.

“I have no right to ask for anything so I will wait.

“Naghintay ako for so many years, fifteen years bago ako nabigyan ng teleserye and ng magandang MMK.

“So, I don’t mind waiting one month, two months… I don’t even mind waiting for a longer period of time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, we will ask ABS-CBN kung ano ang magandang proyekto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN