Paulo Avelino: “Ang kitid lang talaga ng utak ng ibang tao.”

Paulo Avelino posts on Twitter, possibly his reaction to issues claiming that he and Jasmine Curtis-Smith are dating after photo of them circulated on the Internet.


“Ang kitid lang talaga ng utak ng ibang tao.”

Ito ang nakakaintrigang post ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa kanyang Twitter account (@mepauavelino) nitong Linggo, March 8.

Hindi man idinetalye ni Paulo kung ano ang kanyang pinanggagalingan, tumaon naman ito sa lumabas na espekulasyong nagdi-date umano sila ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith, na lalo pang tumindi dahil sa lumabas na larawan ng dalawa na tila nasa isang restaurant at magkatabi at parehong nakangiti.

Gumagawa ngayon ng pelikula sina Paulo at Jasmine, ang horror film na Mara under Regal Films.

May mga nag-iisip na baka may ligawang nangyayari sa dalawa, lalo pa’t inamin ni Jasmine na hiwalay na sila ni Sam Concepcion.

Read: Jasmine Curtis-Smith and Sam Concepcion breakup

May mga fans din nina Paulo at KC Concepcion ang nag-react matapos sabihin ng aktor sa press conference ng kanyang upcoming teleserye na Bridges of Love, na hindi sila nag-break ni KC dahil hindi naman sila magkarelasyon.

Nadismaya ang iba sa kanilang mga tagasuporta dahil hindi nagkatuluyan ang dalawa at iniisip na nagkahiwalay na sila.

Read: Paulo Avelino denies breakup with KC Concepcion: “Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Sa Instagram accounts nina KC at Paulo, marami sa kanilang followers ang naglabas ng sama ng loob sa comments section dahil sa naudlot nilang pagkakamabutihan.

Kasunod ng matapang na tweet ni Paulo tungkol sa pagiging makitid ng ibang tao, may isa namang nag-tweet kung bakit galit si Paulo.

Sagot ni Paulo, hindi siya galit, bagkus ay natatawa pa siya.

Ni-retweet pa niya ang post ng isang follower na kinukuwestiyon ang tungkol sa mga espekulasyon, at sinabi ng nasabing follower na excited siya sa nalalapit na pagsisimula ng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Paulo, Maja Salvador, at Jericho Rosales sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN