Sharon Cuneta wants daughter KC Concepcion to meet people outside showbiz

“I hope KC will also take the time because she’s still relatively young to maybe reconnect and then connect with new people in circles outside show business,” says Sharon Cuneta about daughter KC Concepcion.


Nais ni Sharon Cuneta na makasalamuha rin ng panganay niyang anak na si KC Concepcion ang mga tao sa labas ng showbiz.

Sa press confence na inihanda ng ABS-CBN para sa pagbabalik niya sa network kahapon, March 9, hindi naiwasang matanong ang Megastar tungkol sa emotional posts ni KC nitong mga nakaraang araw.

Wala raw ideya si Sharon tungkol dito dahil, “I don't ask KC unless she opens up to me.

"Hindi rin siya yung type na she'll open up kapag tinanong mo. You have to wait for her.

“Siyempre, alam ko kapag mayroon siyang ikinukuwento sa akin.

"Pero kung may nangyari kahapon, 'di ko pa alam today. I can't answer it."

May ilang followers kasi ni KC ang iniugnay ang mga post nito sa Instagram sa balitang nakita diumanong nagde-date sina Paulo Avelino at Jasmine Curtis Smith.

Bago ito ay naugnay sina KC at Paulo bagamat hindi sila kailanman umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Read: Is Paulo Avelino's sighting with Jasmine Curtis-Smith related to KC Concepcion's "emo" IG posts?

Ayon kay Sharon, naipakilala na sa kanya ni KC si Paulo at ilang beses na rin silang nagkita.

“I met him before my mommy died and a few occasions.

"He was respectful towards me, but I don't think anybody introduced to me by my daughter will act differently."

Gayunman, sabi ng actress/singer/TV host, “I choose to have no impression about Paulo kasi baka ma-misinterpret na naman.

“Anybody my daughter introduces to me, as long as my daughter is being treated very well, is welcome in our lives.”


MEET NON-SHOWBIZ PEOPLE. Kung mayroon mang hiling si Sharon para kay KC, ito ay ang magkaroon ito ng panahon para makakilala ng ibang tao na hindi galing sa industriyang pinagtratrabahuan nilang mag-ina.

Paliwanag ni Sharon, “I hope KC will also take the time because she's still relatively young to maybe reconnect and then connect with new people in circles outside show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I don't like na parang, when I was very young, ang nakikita ko lang ay mga katrabaho ko.

"So, I married Gabby [Concepcion], I would have relationships with leading men.

“Parang I just want something maybe better than what I went through.

“Not a better person, but just a better elimination process.

"A better and more fair one for her para makikita niya ang people from showbiz and outside showbiz."

Dagdag pa ni Sharon tungkol sa taong magiging malapit kay KC, “Basta ako, I just want my daughter to be treated well.

“Ang hirap kasi kapag public-public kasi, hindi mo alam kung pakitang-tao.

“Okay nga sa public, pero pagtalikod, 'di mo alam kung paano kausapin ang anak ko or may pinagdadaanan siyang ayaw niyang ikuwento sa akin, kasi baka magalit ako.

“I really hope that she hangs out.

"Hindi mo rin ma-blame dahil puro trabaho, kaya ang mga nakakasama niya rin, puro nasa industriya.

“I wish her a period in her life na even as she's working, she's able to reconnect with friends na hindi taga-showbiz at makakilala rin ng people not in showbiz whether in Paris, America, or here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN