Bea Binene still trying to move on from breakup with Jake Vargas

Bea Binene on being single: “Hindi naman kailangan palagi kang may lovelife, e. Marami pang puwedeng dumating sa ‘yo. Everything happens for reason. Kapag may nawala ka, may darating na bagong mapupunta sa ‘yo.”


Aminado ang Kapuso teen actress na si Bea Binene na hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin niyang mag-move on mula sa breakup nila ni Jake Vargas.

Paliwanag ni Bea, “Siyempre sanay ka po ng ilang taon din yun.

“Pero life goes on, oo naman… siguro ngayon, tuloy ang buhay, enjoy life.

“Kahit na may nagsasarang pinto, may mga possibilities pa rin na mag-o-open.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa Chef Laudicio restaurant, sa P. Guevara St., San Juan City.

Sa edad na 17 ay nakaramdam na ng heartbreak si Bea. Pero alam daw niya na dahil bata pa nga siya, marami pang puwedeng dumating sa buhay niya.

“Opo, pero sa ngayon kasi, hindi yun ang iniisip ko.

“Nandoon ako sa mas wide. Mas wide ang isip ko na mas marami pa ang puwedeng mangyari.

“Hindi naman kailangan palagi kang may lovelife, e.

“Marami pang puwedeng dumating sa ‘yo.

“Everything happens for reason.

“Kapag may nawala ka, may darating na bagong mapupunta sa ‘yo.”

Nae-enjoy naman daw ni Bea ang pagiging single niya ngayon sa pamamagitan ng pagwu-workout, pagyu-yoga, at gym. Baka bumalik din daw siya sa wushu.

LESSONS. Ayaw nang idetalye ni Bea kung kailan sila eksakto nag-break ni Jake. Basta December daw yun kaya dalawang buwan na rin ang nakalilipas.

Ano ang natutunan niya sa nangyari?

Sagot ng dalaga, “Na ang tao ay marami pang puwedeng gawin sa buhay. Ang dami mo pang maa-appreciate.

“Na ang dami pang nandiyan, ang dami pang dapat gawin, ganun.”

Gaano kahirap yung pinapaamin silang break na sila, pero hindi pa nila maamin?

Saad ni Bea, “Opo nga, e… Gustuhin ko man sabihin na December pa kami break, parang iisipin ng mga tao, iisipin ng ibang tao na hindi masyadong nag-iisip na, ‘Kita mo na, kaya hindi ‘yan umamin noong presscon kasi para sa promo ng show, sinabihan ‘yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, e, we tried to work it out talaga.”

Hindi nga lang nag-work?

“Ayoko namang magsalita nang patapos.

“Siguro sabihin na lang natin na, sa ngayon, we’re enjoying each other’s life.”

Hindi na sila nagkikita, wala na silang komunikasyon ni Jake?

“Hindi po… parang saan na lang ba kami nagkikita? Sa taping, sa SAS, yun…”

Hindi na rin nag-e-effort si Jake sa kanya?

“Siguro better na rin that way para mas madaling… alam niyo na, tuloy ang buhay,” nakangiti niyang sagot.

THIRD PARTY. Todo-iwas naman si Bea na pag-usapan ang tungkol sa diumano’y third party sa naging breakup nila.

Kinamusta kasi namin si Bea kung nandiyan pa rin ba ang “third party” na diumano’y naugnay kay Jake.

Sabi ni Bea, “Hindi ko po alam.

“Ayoko nang pag-usapan. Huwag na tayong magsalita dun.

“Ang dami-raming nangyayari sa Instagram ko. Ang dami ko na pong bina-block.”

Passionate ang fans nila, ang JaBea. Kumusta naman ang naging pagtanggap ng mga ito sa paghihiwalay nila ni Jake?

“Siguro po may mga fans na hindi matanggap. May mga fans na naiintindihan nila.

“Meron naman po na parang alam nilang lahat, pero hindi naman po nila alam.

“Normal lang po siguro yun. Nasanay sila na kami, tatlong taon kami.”

May mga nagalit sa kanyang fans ng loveteam nila?

“Opo naman, lalo na noong madulas ako na nasabi ko ang hindi ko dapat sabihin.

“Pero siyempre, doon mo rin naman mapapatunayan kung sino talaga ang nagmamahal sa inyo.

“Natutuwa ako na may mga JaBea fans na kahit na ganun ang nangyari, naiintindihan nila, iniintindi nila.

“Susuportahan nila kami basta sa kani-kanila naming buhay, kani-kanila naming field, ganun.”

DEBUT PARTY. Sa November ay magde-debut na si Bea. Isang grand debut ba ang magaganap?

Aniya, “Hindi ko pa po alam ang plano ko.

“Ang sabi ko po talaga sa [GMA] Artist Center, ang sabi ko kay Mama, kahit huwag na akong mag-debut, mag-travel na lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, sabi raw po ng Artist Center, hindi puwede.

“So, sabi ko, 'Kayo ang bahala. Kayo ang gumastos, kayo ang bahala.'

“Pero siyempre, sana with approval ko kung ano ang mangyayari.”

Hindi na magiging bahagi ng 18 Roses niya si Jake?

Sagot ni Bea, “Why not, why not, ‘di ba?

"Hindi naman po natin alam kung ano ang mangyayari. Matagal pa naman yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN