Aiko Melendez somehow glad that she’s not in politics anymore

Aiko Melendez says she will now be picky in accepting acting projects after winning Best Actress at a London film festival.


Hanggang ngayon ay pinanghihinayangan pa rin ni Aiko Melendez ang hindi niya pagtanggap nang personal sa Best Actress award na iginawad sa kanya ng 7th International Filmmaker Festival of World Cinema na ginanap sa London, England, noong February 28.

Nagwagi si Aiko para sa pagganap niya sa indie film na Asintado.

Sa halip, ang direktor ng pelikula na si Louie Ignacio ang tumanggap ng parangal para sa kanya.

Read: Aiko Melendez wins Best Actress in London filmfest

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa 31st Star Awards for Movies noong Linggo ng gabi, March 8, sa Solaire Theatre bago siya sumalang para mag-present ng award kasama si Robert Arevalo.

Sinabi ng aktres na maganda ang pasok ng taon sa kanya.

“At least, happy na ako dahil may isa na akong international award.”

Ibig bang sabihin nito ay mas lalo siyang na-inspire na magtuluy-tuloy sa pag-aartista?

Sagot ni Aiko, “Oo, kasi 'eto na yun, e.

“Saka mas magiging picky na ako sa mga role.

"Lalo na ngayon, I’m doing another indie, which is directed by Mel Chionglo at si Ricky Lee ang scriptwriter namin."

Ang titulo ng bagong indie film ni Aiko ay Daluyong.

“It’s very controversial.

“It’s about a priest. And may politics and I’m a politician’s wife.

“So, doon iikot sa religion at politics yung kuwento.”

BLESSING IN DISGUISE. Matagal-tagal na rin mula nang lisanin ni Aiko ang mundo ng pulitika, kung saan naging konsehala siya sa Quezon City.

Nagpapasalamat ba si Aiko na wala na siya sa mundo ng pelikula, lalo na ngayong kaliwa’t kanan ang natatanggap na batikos ng gobyerno dahil sa ilang anomalya at kontrobersiya?

Tugon niya, “It’s a good thing and a blessing also.

“But you know, it’s sad, kasi some of the involved are my co-actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope one day, we only hope for the best to clean the system… sana one day.”

Sa tingin ba niya ay maaayos pa ito?

“Well, kung gugustuhin natin lahat at kung magsama-sama tayong malinis ang sistema, kaya naman natin.”

JOLO REVILLA. Naitanong din namin kay Aiko kung ano ang reaksiyon niya sa nangyari kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na aksidente diumanong nabaril ang sarili bagamat may usap-usapang nagtangka diumano itong magpakamatay dahil sa matinding depression.

Saad ni Aiko, “I feel sad for Jolo that he has to go through such trial like this.

“I’ll pray for him. I wish him all the prayers that I can give to him.”

“Mabait” ang deskripsiyon ni Aiko kay Jolo, na madalas daw niyang makita at nakakausap noon.

Kung siya ang masusunod, saan niya mas gustong pumasok ang kanyang mga anak—sa showbiz o sa pulitika?

Sagot ni Aiko, “Showbiz na lang.

“Kasi mas kamado ko, e. Bata pa lang ako, artista na ako.

“’Eto, masi-shield ko sila.

“Kasi dito naman sa showbiz, intriga lang. Kaya mo namang ayusin kung gugustuhin mo, ‘di ba?

“E, sa politics, may patayang involved pa.”

Gusto ba niyang sumabak ulit sa pulitika?

Ayon kay Aiko, “Hindi ko isinara yung possibility, pero sa ngayon, with the rate things are going, mas gusto ko muna sa pag-aartista.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN