Matteo Guidicelli brushes off rumored breakup with Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli is happy to report that girlfriend Sarah Geronimo apprroves of his onscreen tandem with Alex Gonzaga. He says, “Yes, okay naman and they’re friends, hindi lang friends they are very good friends kumbaga.”


Aminado si Matteo Guidicelli na aprubado ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa pakikipagtambal niya kay Alex Gonzaga para sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, ang Inday Bote, na magsisimulang umere sa Marso 16.

Ka-love triangle nina Matteo at Alex sa serye si Kean Cipriano.

Ayon kay Matteo, “Sobrang supportive naman niya [Sarah].

“Alam niya naman na ang first love ko ay ang pag-arte at close naman sila [ni Alex] kaya wala namang problema.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Matteo sa presscon ng Inday Bote na ginanap ngayong Martes ng hapon, Marso 10, sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

Aware din si Matteo na magkatrabaho sina Sarah at Alex sa ASAP at may mga pagkakataon pang nagkakasama ang dalawa sa production number.

Aniya, “Yes, okay naman and they’re friends, hindi lang friends they are very good friends kumbaga.”

So, walang puwedeng mangyaring selosan?

Sagot ni Matteo, “Sana wala, wala naman.

“I’m sure wala naman kasi they’re friends.

“Hindi naman siya [Sarah] magseselos, okay naman.”

Pero natanong niya ba si Sarah kung nagkausap nito si Alex tungkol sa Inday Bote?

Ayon kay Matteo, “Hindi ko pa alam. Mamaya tatanungin ko, hindi ko pa alam, e.

“But she knows naman na I’m working with Alex and okay naman sa kanya, masaya naman siya.”

GOING STRONG WITH SARAH. Muli namang pinabulaanan ni Matteo na break na sila ni Sarah nang kumustahin ng press ang status ng relasyon nila ngayon.

“Okay naman, okay naman kami, masaya naman kami.

“Wala, that’s just negative stuff to bring us down, but it’s not gonna bring us down.

“Sarah and I, we’re strong, we’re going strong, and sana we’ll forever be strong, ‘di ba? Yun po.”

Ano naman ang sini-share nilang interests ngayon ni Sarah?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng Kapamilya actor, “Everything, we like almost the same things, e.

“Like sports, she loves the music, she shares music to me and food, many things.

“A lot of things, we share [common] interests.

“She shares to me, I share to her, parang it’s a give and take thing.”

HAPPY TO BE WORKING WITH ALEX AGAIN. Hindi first time na magkasama sa trabaho nina Matteo at Alex.

Nauna silang naging co-stars noong 2007 sa dating teen-oriented show ng ABS-CBN, ang Gokada Go!, kung saan nakasama rin nila sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Joem Bascon, Bangs Garcia, Eda Nolan, at Dianne Medina.

Ang gamit pang pangalan ni Alex noon ay Cathy Gonzaga.

Matapos ang ilang taon, muli silang nagkatrabaho at nagtambal sa unang pagkakataon sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong Enero 31 ngayong taon.

Ginampanan nila ang magkarelasyon na kauna-unahang nagwagi ng P1 million jackpot sa isang laro ng It’s Showtime noong 2012.

Kaya naman masaya si Matteo na magkakatrabaho sila nang matagal ni Alex sa Inday Bote.

Saad niya, “Sobrang masarap makatrabaho si Alex, e.

“Sobrang giving siyang partner, sobrang comfortable ako sa kanya, na talagang ibinibigay ko lahat kay Alex na hindi ako takot to give to her.

“So, that’s what I’m very excited for na sana magustuhan ng mga tao ito.

“Sobrang comfortable kami ni Alex sa screen at sa working relationship namin, so exciting ito.”

CRUSH ISSUE. Sa presscon, inamin ni Alex na naging crush nila ng co-stars niyang babae sa Gokada Go! noon si Matteo. Ano ang reaksiyon ng aktor dito?

Sabi niya, “Yun nga ang sinasabi nila sa akin dati, e.

“Pero noong Gokada Go sila yun, e, Alex, Dianne Medina, Bangs, at si Eda Nolan, sila yung girls na talagang magaganda, e, ‘di ba, especially si Alex, na talagang sinasabi ko palagi na maganda talaga yung grupo na iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, you know, I’m just happy to work with her again and I’m very proud.

“I’m happy talaga na yung working relationship namin, sobrang ganda.”

Naging crush niya ba noon si Alex?

“Crush? Hindi naman crush, but I admire her for her talent. I admire her so much for her talent.”

Aminado rin si Matteo na noong panahon ng Gokada ay torpe pa siya.

“Torpe pa ako noon, e, sobrang torpe pa ako noon dati.

“Pero siyempre, ako, yung sa set dati, I was really shy.

“I was really shy sa girls because tinutukso nila ako dati, so sobrang shy ako.

“Ngayon naman, hindi na po ako shy,” biro pa ni Matteo.

Pero nagagandahan ba siya kay Alex?

“Yeah, she’s very beautiful, extremely beautiful,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN