Paulo Avelino to bashers: “I may not agree with you, but I will fight for your right to freedom of expression.”

Hindi raw papalag si Paulo Avelino sa anumang pamba-bash sa kanya ng netizens dahil naniniwala raw siya sa freedom of expression.


Isang mensahe ang ipinaabot ni Paulo Avelino para sa kanyang bashers sa pamamagitan ng Twitter kahapon, March 10.

Sinabi nitong salungat man siya minsan sa kanilang mga opinyon, hindi raw niya pipigilan ang mga ito na maghayag ng kanilang saloobin laban sa kanya.

To my bashers, I may not agree with you, but I will fight for your right to freedom of expression. #NoToInternetCensorship

— Paulo Avelino (@mepauloavelino) March 10, 2015

Tila nag-ugat ang sunud-sunod na batikos kay Paulo dahil sa binitawang salita ng aktor sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Bridges of Love.

Nang tanungin tungkol sa balitang break na diumano sila ni KC Concepcion, sinabi ni Paulo na paano magbi-break ang dalawang magkaibigan lamang.

Read: Paulo Avelino denies breakup with KC Concepcion: “Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan.”

Sinabi pa ng Kapamilya actor na hindi pa siguro panahon ng pag-ibig para sa kanya.

Nadagdagan pa ang tila pagkainis ng mga tagahanga ni KC nang lumabas litratong magkasama sa isang restaurant si Paulo at ang TV5 star na si Jasmine Curtis-Smith.

Read: Is Paulo Avelino's sighting with Jasmine Curtis-Smith related to KC Concepcion's "emo" IG posts?

Hindi pa nagbigay ng anumang pahayag ang aktor tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN