Nikki Valdez not on speaking terms with ex-husband; still fighting for child support

Nikki Valdez is thankful to ABS-CBN for keeping her acting career active: "I’d like to say na blessed ako to be given that chance. Kasi maraming tao na nagsimula, umalis, bumalik… nabigyan pa rin ako ng pagkakataon. Kasi siguro yung pakikisama ko and I’m a homegrown talent."


Aminado si Nikki Valdez na hindi sila on speaking terms ng kanyang non-showbiz ex-husband.

Saad ng Kapamilya actress, “He was here last year at hindi ko rin naman masasabing civil, dahil ang civil kasi kahit paano nag-uusap.

“But kasi, whenever he’s here lang, may mga legal matters kami na hindi ako puwedeng magsalita.

"This is regarding our daughter.

“Not really the custody but… yes, support.

“Everybody knows na I’m raising my child on my own. I’m a single mother.

“Siyempre, tumatanda ang anak namin and we really have to fix things para sa kanya.

“As of now, hindi pa rin kami nag-uusap dahil, as of now, I’m still waiting for the result doon sa legal matters.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki sa presscon ng Inday Bote noong Martes, March 10, sa ABS-CBN compound.

FINANCIAL SUPPORT. Nagpakasal si Nikki sa Filipino-Canadian na si Christoph Lina noong 2007, ngunit pagkatapos lamang ng dalawang taon ay naghiwalay sila.

Noong 2011 naaprubahan ang kanilang divorce, kaya lagpas apat na taon na rin mula nang maging legally separated ang actress-singer.

Nagbunga ng isang anak na babae ang pagsasama nila.

Apat na taon na rin bang walang financial support sa kanilang anak ang kanyang ex-husband?

“No, it’s been only two years,” paglilinaw ni Nikki.

Bakit ganoon?

“Hindi ko alam. Kaya yun ang medyo inaayos namin.”

Nasa Canada pa ba ang kanyang ex-husband?

“Yes, nasa Canada siya, but my daughter is been very aware of her father.

“It’s just that, kahit sino naman, it’s out of sight, out of mind.

“Parang feeling niya, wala.”

Alam ba ng kanyang anak na walang child support mula sa tatay nito?

Ayon kay Nikki, “Yes.

“My daughter and I, we have a very much open relationship.

“I tell her everything. Honest ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ng kanyang anak?

“Wala, kasi bata yun, e. Ano’ng iisipin niya? Ano’ng sasabihin niya?

“Ang alam lang niya, ako ang nagsu-support sa kanya. Kasi ako yung kasama niya sa bahay, lahat.

“Ever since nung maliit ang anak ko, grasyosa yun, e.

“Kahit yung maliliit na bagay… ‘Mama, you cooked this? Thanks.’ Yung mga ganun.

“Kasi alam niya ako lahat ang nagbibigay.”

Stable naman daw ang trabaho ng dati niyang asawa sa Canada, kaya tinanong namin si Nikki kung bakit hindi ito nakpagbibigay ng financial support sa kanilang anak.

“I guess he has another family,” pakli niya.

Dito sa Pilipinas nag-file ng kaso si Nikki para sa financial support ng anak kahit nasa Canada ang kanyang ex-husband.

Sabi niya, “Ang lawyer ko si Atty. Joji Alonso. So, siya and dapat magbigay ng statement lahat.

“But, as of now, I can’t really give any details about it.

“Basta, I’m just waiting for the result.”

Dalawang taon na raw binabasa sa korte ang child support case ni Nikki para sa anak, at umaasa siyang maibaba na ang resulta ngayong taon.

THANKFUL TO ABS-CBN. Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat ni Nikki sa ABS-CBN dahil sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya.

Ang latest nga ay ang Inday Bote na pagbibidahan nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, at Matteo Guidicelli.

Gumaganap dito si Nikki bilang isa sa mga duwende.

Ayon sa aktres, malaki ang nagawa ng Kapamilya network para patuloy na maging aktibo ang kanyang career.

“I’d like to say na blessed ako to be given that chance.

"Kasi maraming tao na nagsimula, umalis, bumalik… nabigyan pa rin ako ng pagkakataon.

“Kasi siguro yung pakikisama ko and I’m a homegrown talent.

“In fact, nag-eighteen years na ako with ABS-CBN Star Magic…

“It was then Talent Center when I was launched in Star Circle batch four in 1997.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa loob ba ng 18 years ay naisip niyang lisanin ang Kapamilya network at maging contract star sa ibang network?

Sagot ni Nikki, “Alam mo, hindi ko idi-deny yun.

“Nag-guest pa ako sa SOP and maraming shows sa GMA-7 and it was a good offer.

“But nagkaroon ng isang show na nag-kick off nung pag-stay ko, and I think it was a good decision to stay with them.

“Never akong nawala sa ABS-CBN and never rin naman akong nawalan sa kanila.

“Sabi ko nga, nakakatuwang isipin na naiisip nila ako palagi sa mga projects nila.

“Sabi ko, ‘A, siguro [dahil] mag-isa kong pinapalaki ang anak ko.’

“Ako naman, whatever they have given to me.

"And again, there’s no small roles. It's what you give and how you work sa mga kasama sa cast at sa mga production.

“Thankful ako doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN