Gabby Eigenmann admits he cannot afford to be choosy about roles: "Kung mamimili ako, baka ibigay sa iba."

Gabby Eigenmann on starring in two shows simultaneously: “Kaya may ngiti sa mukha ko ngayon kasi I feel I’m still in cloud nine. Ramdam ko ang tiwala ng network sa akin, kasi I’m given an opportunity to do two shows.”


Lubos ang pasasalamat ni Gabby Eigenmann dahil sa sunud-sunod na mga proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA Network.

Ngayon, bukod sa pagiging kontrabida sa primetime series na Pari 'Koy, napili rin ang aktor na maging bida sa bagong weekly family drama na InstaDad.

“I feeel overwhelmed!” sambit ni Gabby nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference na inihanda para sa bago niyang programa kahapon, March 10.

Natutuwa raw si Gabby dahil dalawang magkasabay na proyekto ang ginagawa niya ngayon.

“Kaya may ngiti sa mukha ko ngayon kasi I feel I'm still in cloud nine.

“Ramdam ko ang tiwala ng network sa akin, kasi I'm given an opportunity to do two shows.”

Gayunman, umaasa raw si Gabby na hindi maging isyu ang sunud-sunod na pagbibigay ng proyekto sa kanya sa ibang kasamahan niya sa Kapuso network.

Sabi ng dating Dading actor, “Siyempre, may takot kasi yung mga peers mo, mga kasamahan mo, baka sabihin bakit dala-dalawa.

“Pero siyempre, they will always make it a point to congratulate me.

“Nakakatuwa kasi ramdam mo na talagang kaibigan mo sila.”

Dagdag pa niya, “Sana walang ganun kasi we all come to this industry to work.

“We all have an opportunity. Sabi nga nila, pana-panahon lang 'yan.

“Ayaw kong sabihing panahon ko ngayon. O baka nga ganun.

“Pero lagi ko ngang sinasabi, success is always awarded to those who are patient.

“I've been patient, I've been in the industry longer that what people know, especially in this network.”


TYPECAST. Bagamat napapadalas ang daddy role na ibinibigay sa kanya, ayaw namang isipin ni Gabby na nata-typecast na siya sa mga ganitong klase ng karakter.

Gayunman, hindi raw problema kung ganito na ang klase ng trabaho na ibibigay sa kanya.

“Sabi ko nga, I'm not getting any younger.

“Hindi ko naman sinasabi na tanggap ko nang matanda na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's just an opportunity.”

Bukod dito, magandang paraan din daw ito para maibahagi ang kanyang mga natutunan sa pag-arte sa mga bagong artista.

Katulad sa InstaDad, makakasama niya ang mga baguhang aktres na sina Gabbi Garcia, Ashley Ortega, at Jazz Ocampo.

Aniya, “I always look at it in a positive way, kasi these kids now, ang sarap nilang i-mentor. Ang sarap nilang alagaan.

"Kasi, in the long run, if they make it big, ako naman itong, 'Nandito lang ako kapag may launching project kayo.'

“Kaya sa akin, it doesn't matter what character I portray—bida or kontrabida. It's a profession.”

Mahirap din daw ang maging mapili dahil marami na ang mga artista ngayon sa showbiz.

“If I were given a power to decide on what show or what character to portray, ang dami namin.

“Hindi ko na kayang makipagkarera.

“And let's say may ibang mas deserving, 'di ba? Kung mamimili ako, baka ibigay sa iba.

“So, ako, it's always an opportunity for me.

"If they want me to do this, I'll do it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN