Nikki Valdez admits past affair with a married man: "It was a bad choice."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Nikki Valdez ang lumabas na blind item noong nakaraang taon na nagkaroon siya ng relasyon sa isang lalaking may asawa. Ngunit diin ng Kapamilya actress, "Hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasakit ng ibang tao na naranasan ko, kasi hindi ko gusto yun."


Nagsalita na si Nikki Valdez tungkol sa isyung kumalat noong 2014 kaugnay ng pagkakaroon niya umano ng affair sa isang married man.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon proper ng ABS-CBN series na Inday Bote, noong Martes, March 10, inamin ni Nikki ang kanyang naging pagkakamali nang patulan niya ang naturang lalaki.

Noong nakaraang taon ay sumingaw ang isyung pumatol si Nikki sa isang lalaking may asawa.

Nagsimula ito sa isang blind item hanggang sa mag-post ang isang non-showbiz girl sa Facebook tungkol sa mensahe sa kanya ng aktres na humihingi ng paumanhin.

Dito nakumpirmang may namagitan sa aktres at sa asawa ng nasabing babae.

Pero sinabi rin sa post na tila putol na ang anumang namamagitan sa dalawa.

NIKKI SPEAKS UP. Ibig bang sabihin nito ay wala na sila ng naturang married man?

Huminga muna nang malalim si Nikki at saka nagsalita.

Bungad niya, “Ngayon lang ako magsasalita about this kasi it’s…

“When was this? September when it came out.

“It was a bad…

“Hindi ko naman masasabing maganda siya kasi muntik nang masira ang buhay ko, muntik nang masira ang pagkatao ko.

“I want to make this final statement.

“I’ve been quiet kasi I have a daughter to protect.

“Lumabas siya as a blind item and…

“My statement regarding this, it was a bad choice.

“Sometimes, we really feel in life that we made wrong choices.

“Hindi ko sinasabing ginusto ko ang mga nangyari, I was made to believe na everything is okay.

“But again, I will never ever… it was done to me.

“Nasaktan ako because of infidelity.

“I will never ever destroy a family because I am not the type of person to begin with.

“Hindi ako pinalaki ng magulang ko nang ganun. Matigas lang talaga ang ulo ko."

Patuloy ni Nikki, “I’ve made so many bad choices nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But of course [when I found out], kailangan mong gawan ng paraan. Yes.

“Whatever people want to believe, they believe naman, ‘no?

“But this is my final statement, kung anuman ang lumabas noon… siyempre there’s always two sides of the story.

“But what I am trying to say right now, hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasakit ng ibang tao na naranasan ko, kasi hindi ko gusto yun.”

"I WAS MADE TO BELIEVE..." Paano niya tinapos ang relasyon nila ng lalaking iyon?

Saad ni Nikki, “Tinapos ko lahat.

“Sinabi ko doon sa tao, the guy involved, and I also sent a message to the woman involved because private na tao sila. Most especially the woman.

“Kung anuman ang naging reaksiyon niya doon sa situation, I will understand. Because kahit sino naman siguro…

“Hindi ko sinasabing nagmamalinis [ako], pero kung ano yung sinasabi ko ngayon was what really happened.

“I was made to believe that it was okay.

“Kasi nga, I will not enter in a relationship or destroy a family, kasi nga it happened to me.”

Ang tinutukoy niya ay ang naranasan niyang pambababae ng kanyang ex-husband.

Gaano kasakit ang nangyaring ito sa kanya?

“Ay, grabe!” bulalas ni Nikki.

“Kasi hindi ko lang iniisip ang sarili ko.

“May anak ako. Babae ang anak ko at ginawa sa akin.”

Patuloy ni Nikki, “Masakit talaga.

“That is why… kaya ko sinabing masaya ang heart ko.

“I’m really happy from within because wala kang natatapakang ibang tao. Walang nasasaktan.”

At naging totoo siya sa kanyang sarili?

“Oo naman.

“Kasi nung time na yun, parang nagulat pa ako, kasi the blind item came out after the Star Magic Ball.

“And it was really painful kasi ano naman ang laban ko para magsalita nang ganun?

“Kasi na-judge na agad na ganito yung nangyari. Parang they just want to destroy whatever I built.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Again, hindi ako nagmamalinis na tao. As a person, sometimes nagkakamali ka, e.”

Nang lumabas ang balita tungkol sa kanila ng married guy, may relasyon pa ba sila noon?

Sagot ni Nikki, “A, wala na yun. Wala na yun.

“Alam mo, ang gusto ko lang i-release na statement, mother knows best talaga.

“’Pag sinabi talaga ng nanay mo na huwag, huwag na.

“Matigas lang talaga ang ulo ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN