Gabby Eigenmann reveals friends from showbiz who are happy with his newfound stardom

Gabby Eigenmann on mentoring young stars: “You have to stay long in this business, because once you’re on top, you’ll never go anywhere but down.”


Walang duda na napakalaki ng tiwala ng Kapuso network kay Gabby Eigenmann.

Patunay nito ang dalawang proyekto niya ngayon—ang primetime series na Pari ‘Koy at ang upcoming weekly series na InstaDAD.

Ano ang pakiramdam ni Gabby rito?

Sagot ng Kapuso actor, “Kaya nga very grateful talaga ako sa GMA. Natutuwa ako dahil ipinararamdam talaga sa ‘yo ang tiwala.”

Ilang taon bago niya nakuha yung tiwalang iyon ng network?

“Matagal, matagal… fifteen years, fourteen years…

“Ang dami kong tinahak. Nag-singer ako, nag-host ako...

“Lahat ng puwede kong gawin na likas sa aking kakayahan to be in this industry, ginawa ko.

“I found my niche noong ginawa akong kontrabida. Na-typecast ako for the longest time.

“Ngayon naman, baka nata-typecast ako bilang daddy.

“Pero mas masarap pakinggan kasi lahat ng up-and-coming stars, yun na ang gusto nila. ‘Gusto namin si Gabby ang maging dad.’

“Sobrang natutuwa ako.

“Kahit na hindi mo pa nakakatrabaho, ipaparamdam nila sa ‘yo na gusto ka nilang makatrabaho.”

TRUE FRIENDS. Naitanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby kung sino sa mga kasamahan niyang artista ang nararamdaman niyang masaya talaga kung ano ang mayaroon siya ngayon.

Sabi ni Gabby, “Marami, marami…

“Baka biased kasi friends ko sila. Pero sila Dennis [Trillo], noong magkita kami sa Sunday All Stars, niyakap niya ako.

"Sabi niya, ‘Pare, sobrang happy ako sa ‘yo, very blessed ka.’

“Of course, si Dingdong [Dantes].

“At isa sa natutuwa ako, when I was in Japan, noong in-offer sa akin, nang sabihin sa akin that I’lm gonna do Dading...

“Sina Paolo Contis, Luis Alandy, sila yung mga isa sa mga unang nag-text.

“Si Reg [Regine Velasquez], noong magkita kami sa birthday ni Nate, as in niyakap niya ako. ‘My god, dalawang shows ang ginagawa mo!’

"'Tapos nagpakuwento siya, ano ang istorya ng InstaDad. Tuwang-tuwa siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Gabby, “Pero sa totoo lang, nami-miss na nila ako sa music scene.

“Kasi, sa totoo lang, ang nag-mold sa akin to be a singer, si Regine.

“Siya yung nagsabi sa akin na ang pag-aartista, nandiyan lang ‘yan. Pero mas malaki ang kita sa pagkanta.”

MENTORING. Kung sa Pari ‘Koy ay kontrabida ang ginagampanan niyang papel, sa InstaDAD naman ay gumaganap siya bilang ama ng tatlong teenagers na babae.

Kung sa Pari ‘Koy ay si Dingdong ang headliner, kumbaga, sa InstaDAD ay si Gabby ang masasabing “may pangalan.”

May pressure ba?

Sagot ng aktor, “Siguro yun ang isa sa challenge.

“I love mentoring these kids, mga baguhan, mga up-and-coming teen stars.

“Masarap silang i-mentor. So, I’m not just on-cam, also off-cam.

“Nowadays, sa generation ngayon, ang gusto nila sumikat.

"Palagi ko namang sinasabi sa kanila, sina Joyce Ching pa nga, mga Tween Hearts noon, palagi kong sinasabi, longevity.

“You have to stay long in this business, because once you’re on top, you’ll never go anywhere but down.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN