Mike Tan keeps mum about Aljur Abrenica’s return to GMA Network

Mike Tan on his showbiz career: "Ako naman po kasi iyong klase ng tao na masaya sa kung ano ang dumating at kung ano na ang mayroon. I mean, I’m contented with whatever I have, but I still keep working for what I want."


Sa Instagram lamang daw nalaman ni Mike Tan na lumalabas na ulit sa GMA Network ang kapwa niya StarStruck winner na si Aljur Abrenica.

Pagkatapos ng halos isang taon ay muling napanood si Aljur sa musical-variety show na Sunday All Stars, bagamat patuloy pa rin ang kaso laban sa kanya ng GMA.

Ano ang naging reaksiyon ni Mike nang nalaman niya ang pagbabalik ni Aljur? Sa palagay ba niya ay nararapat na tanggapin muli ng GMA si Aljur?

Tugon niya, “Desisyon na po ng GMA Network 'yan. Wala po ako sa posisyon para sagutin iyan.”

Nakausap na ba niya si Aljur mula nang bumalik ito? Ano ang napag-usapan nila?

“Hindi pa kami nagkikita. Huli kaming nagkita nung Kambal Sirena [2014] pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa pamamagitan ng email kahapon, March 12.

MARIAN RIVERA. Sunod na mapapanood si Mike sa primetime series na The Rich Man’s Daughter, kung saan gaganap siya bilang kapatid ni Marian Rivera.

Ano ang naramdaman niya nang malamang kapatid ni Marian ang kanyang role?

Sagot ng Kapuso actor, “Una, masaya ako dahil may trabaho na ako ulit.

“Pangalawa, masaya ako dahil makakatrabaho ko na ulit ang Primetime Queen.”

Nakatrabaho na niya noon si Marian sa Marimar, kung saan gumanap siya bilang si Choi.

Mas ikinatuwa ba sana ni Mike kung love interest ni Marian ang role niya sa kanilang teleserye?

Sagot niya, “Ako naman po kasi iyong klase ng tao na masaya sa kung ano ang dumating at kung ano na ang mayroon.

“I mean, I’m contented with whatever I have, but I still keep working for what I want.

“Malaking karangalan na maging kapareha ang isang Marian Rivera kaya kahit sino ikatutuwa po iyon.

“Pero masayang-masaya ako sa naging role ko rito kasi malalim ang love-hate relationship namin ni Marian dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaabang-abang.”

Ngayong Biyernes, March 13, magsisimula ang taping nila para sa The Rich Man’s Daughter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN