Benjamin Alves on his sexual orientation: “I know my orientation. There’s nothing wrong with any other orientation, but I know mine.”

Natatawa na lang si Benjamin Alves sa mga nagdududa sa kanyang pagkalalaki. Hindi naman daw porke’t single siya ay bading na siya. Sabi niya, “Pangit naman siguro na that’s the sole purpose na maghahanap ako ng idi-date para lang [hindi mapagdudahan].”


Halos tatlong taon nang single ang Kapuso actor na si Benjamin Alves, pero hindi naman daw siya nagmamadaling makahanap ng girlfriend.

Hindi ba siya natatakot na mapagdudahang bading, katulad na lamang sa mga akusasyong ibinabato sa kanyang tiyuhin na si Piolo Pascual?

Tugon ni Benjamin, “I don’t really care whatever they think man ‘coz I’m comfortable with, you know…

"I know my orientation.

"There’s nothing wrong with any other orientation, but I know mine.

“I don’t really care if they think that way. I really don’t.

“Pangit naman siguro na that’s the sole purpose na maghahanap ako ng idi-date para lang [hindi mapagdudahan].

“If that’s the case… kung talagang ganun ang iniisip ko na, ‘Kailangan may ma-date ako kasi baka mapagkamalan ako.’

“May itinatago ka nun 'pag ganun yung objective mo.

"But there hasn’t been one, e."

Dagdag niya, "Like I said, I’m seeing girls away from work.

“I know there’s a lot of pretty ones, but I would like to find somebody outside the work.

"Problema ko lang, I don’t have a big circle here.

“I didn’t grow up here, so yun ang problema, e.”

Luimaki at nag-aral sa Guam si Benjamin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin noong Huwebes ng hapon, March 12, sa ginanap na birthday charity niya, kasama sina Sef Cadayona at Dion Ignacio, sa Kanlungan ni Maria (Home for the Aged), sa Antipolo City.


BIRTHDAY WISH FOR THE FAMILY. Sa March 31 ang ika-26 kaarawan ni Benjamin.

Pero ang wish niya ay hindi para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya.

Wika ni Benjamin, “This year, I think I give my wishes to my family.

“I don’t get to see them much, e.

"And everytime I get to see them seems like someone is always sick."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan lang ay dumaan ang kanyang ina sa isang hip replacement surgery, kaya ang hiling daw ng aktor sa kanyang kaarawan ay magandang kalusugan ng pamilya niya.

Pagdating naman sa mga proyekto niya sa GMA Network, may mga nakaplano na raw pero hindi pa niya puwedeng banggitin ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN