Vice Ganda still close with Daniel Padilla despite KathNiel fans bashing

Vice Ganda on bashers: “Sanay na ako, deadma na lang. Ayoko namang karerin yung ganung mga bagay. Napaka-negative. Ayokong mag-dwell sa mga negative. Kung ano ang tinu-tweet nila sa akin, ded’s lang naman ako.”


Ayaw nang palakihin pa ni Vice Ganda ang isyu tungkol sa pamba-bash sa kanya ng ilang KathNiel fans dahil sa maikling exposure diumano nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang huling mag-guest ang mga ito sa kanyang programang Gandang Gabi Vice.

Read: Vice Ganda on KathNiel fans: “Di na nga nagpasalamat, nagalit pa…”

Sabi ni Vice, “May mga fans naman na nag-sorry, pero may mga fans pa rin na nagba-bash.

“Sanay na ako, deadma na lang.

“Ayoko namang karerin yung ganung mga bagay. Napaka-negative.

“Ayokong mag-dwell sa mga negative.

“Kung ano ang tinu-tweet nila sa akin, ded’s lang naman ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa set ng It’s Showtime noong Miyerkules, March 11.

DANIEL PADILLA. Hindi naman na raw ikinagulat ni Vice ang ginawang panawagan ni Daniel sa kanilang fans ni Kathryn na humingi ng paumanhin sa kanya.

Ito ay dahil malapit sa kanya ang young actor, na anak ng matalik niyang kaibigan na si Karla Estrada.

Read: Daniel Padilla urges KathNiel fans to apologize to Vice Ganda

Sabi ni Vice, “Sobrang close kasi kami nun, parang magkamag-anak nun.

“Si Daniel, parang anak ko, parang pamangkin ko siya, kaya ‘di naman ako masu-surprise kung gawin niya yun.

“Mahal na mahal namin ang isa’t isa.”

Naapektuhan ba ang samahan nila ni Daniel dahil sa nangyari?

Sagot ni Vice, “Hindi, sobrang hindi.

“May mga kumakausap sa akin, sa kanya din, ‘O, mag-usap kayo ni Vice…’

“Nakakatawa kasi akala yata ng mga tao magdyowa kami.

“Lagi naman kaming nag-aaway nun, para kaming aso’t pusa.

“Lagi kaming nag-aaway, nagde-deadmahan, pero sobrang mahal namin ang isa’t isa.”

Kahit ang relasyon nila ng ina ni Daniel na si Karla bilang magkaibigan ay nananatili pa rin daw maayos.

“Magkasama kami ni Karla kamakailan lang.

“Hindi kami naaapektuhan nang ganun-ganun lang ni DJ [Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang mahal na mahal ko si DJ, at alam ko na mahal din niya ako.”


MOVIE WITH DANIEL. Isa sa proyektong nakalinyang gawin ni Vice ngayong taong ito ay ang pelikulang pagsasamahan nila ni Daniel.

Tiniyak niyang tuloy na tuloy ang nasabing pelikula.

“Tuloy yun… baka mapagalitan pa kami sa taas [management].

“Saka ganun lang kami mag-artehan ni DJ, ‘tsaka di kami magkaaway.”

Dagdag niya, “I love KathNiel, yung loveteam nila mahal ko. Lalo na si DJ, kasi para kaming magkamag-anak nun.”

Tinanong din namin si Vice kung napanood na niya ang pelikula nina Daniel at Kathryn na Crazy Beautiful You.

Pag-amin niya, “Hindi pa, wala pa akong chance mapanood.

“Pero if I’ll get the chance, papanoorin ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN