Deniece Cornejo not bothered by negative image to the public

Despite her vaunted awards, Deniece Cornejo still has to convince a disbelieving public. "Ang mahalaga naman kasi yung mga taong naniniwala sa iyo at mga taong nandiyan sa tabi mo at hindi ka iniiwan. Hindi natin kailangang paapekto sa ibang tao lalo na’t ang dala nila ay sirain ka," she says.


Hinahayaan na lang daw ni Deniece Cornejo na ang korte ang magdesisyon sa kasong inihain nila ni Vhong Navarro laban sa isa't isa.

Sa ngayon naman daw ay maraming blessings na dumarating sa kanya.

Inisa-isa pa nga ito ni Deniece nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 31st Star Awards For Movies na ginanap sa The Theatre, sa Solaire Resort & Casino, noong March 8.

"Actually, last year, I got an award for People's Choice Award 2014.

"Ang nakuha ko pong award ay Outstanding Humanitarian and Civic Advocate and Outstanding Role Model and Stylist.

"And last year, I got an award again for Most Innovative Young Enterpreneur, and I'll be getting an award this month from UP [University of the Philippines].

"And this April, I'll be getting an award for Asian Achievers Award."

Hindi binanggit ni Deniece kung anong award ang ibibigay sa kanya ng UP.

NEGATIVE IMAGE. Sa kabila ng mga nasabing karangalan na natatanggap niya, tila hindi pa rin siya matanggap ng publiko.

Reaksiyon dito ni Deniece, "Kapag kilala niyo naman po ang sarili niyo, kahit anong daming hindi magagandang ipinupukol sa iyo, hindi mo kailangang mangamba.

"Ang mahalaga naman kasi, yung mga taong naniniwala sa iyo at mga taong nandiyan sa tabi mo at hindi ka iniiwan.

"Hindi natin kailangang paapekto sa ibang tao, lalo na't ang dala nila ay sirain ka."

Negatibo man, nakatulong daw ang mga batikos sa kanya para makilala siya.

"Merong negative at merong positive side po.

"Negative side dahil nahuhusgahan ka.

"Positive side naman yung nakikilala nila kung sino talaga ako.

"Hindi yung kung ano lang yung naririnig, nababasa, at napapanood nila."

ENTERING SHOWBIZ. Posible raw na pasukin ni Deniece ang showbiz.

"I'm not closing doors naman if given a chance kasi bata pa naman ako."

At kung sakaling pagsamahin sila ni Vhong sa isang project, ayon kay Deniece, "Siguro, sometimes we have to be professional in all aspects, trabaho naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At alam kong marami pang mangyayaring maganda and bahala na po si God.

"But for now, nag-e-enjoy po ako sa mga projects na ginagawa ko, like recently I had my photo shoot for my endorsement.

"Hangga't bata ka pa, marami pang challenges ang darating at pagdadaanan mo na hindi mo ini-expect.

"There will be a time ba hindi mo ini-expect na may nga blessings na darating sa 'yo and you have to be thankful for that."

Ano ang nagpapalakas sa kanya?

"Bukod sa Diyos, inisip ko na lang na kahit anong mangyari, kung kilala mo yung sarili mo, yun yung magbibigay sa 'yo ng inspirasyon sa buhay.

"At laging tandaan na hindi ka nag-iisa."

May mensahe rin si Deniece sa kanyang detractors: "God bless you all, yun lang po."

Ka'y Vhong?

"Ay, wala po," panghuling sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN