Bea Binene on moving on after breakup with Jake Vargas: "I would say na mga 80 percent tanggap ko na siya."
by John Fontanilla posted on

What is life like for Bea Binene after Jake Vargas: "I’m just starting again to enjoy life... Ang mahalaga naman, happy ka sa naging desisyon, and I can say happy ako. ’Tsaka sa sarili ko, gusto ko mag-grow by myself, gusto kong mag-grow within myself."


Ang isa pang young actor na nali-link ngayon kay Bea Binene, maliban kay Derrick Monasterio, ay ang kabarkada nitong si Kristoffer Martin.

Single at walang ring karelasyon ngayon ang binata.

Kaya naman bago pa lumaki ang nasabing isyu ay pinabulaanan na agad ni Bea ang usap-usapang si Kristoffer ang isa sa mga dahilan ng breakup nila ni Jake Vargas.

"Hindi po! Hindi po totoo 'yan.

"Kaibigan lang si Kristoffer katulad ni Derrick.

"Kasa-kasama ko si Kristoffer sa pag-akyat ng bundok, kasama pa yung ibang mga kaibigan namin.

"Matagal na kaming magkaibigan.

"Kami-kami rin ang lumalabas-labas na magba-barkada.

"Friendship lang ang pinagsasamahan namin at wala nang iba."

AFTER THE BREAKUP. Aminado naman si Bea na nasaktan siya sa naging breakup nila ni Jake.

Sabi niya, "Oo, na-hurt ako ako kasi first boyfriend and first love ko siya.

"Pero sabi nga natin, 'pag may saya, may kalungkutan.

"Hindi lahat ng oras masaya ,minsan dadaan ka din sa point na masasaktan ka to be strong."

Kumusta na siya ngayon pagkatapos ng breakup nila ni Jake?

Sagot ni Bea, "Siguro I'm just starting again to enjoy life.

"I won't say that I've completely moved on, pero nandun naman yun sa tao, na kailangan mo siyang tanggapin.

"Hindi ka makakapag-move on 'pag hindi mo siya tanggap.

"So, ako ngayon, kahit papa'no, I would say na mga 80 percent tanggap ko na siya.

"Ngayon, nagagawa ko na yung gusto ko.

"Siguro kailangan mo lang i-accept, e.

"Lagi mo lang tatandaan yung kasabihan na 'pag pinagsaraduhan ka ng pinto, may mga bintanang magbubukas sa 'yo.

"Ang mahalaga naman, happy ka sa naging desisyon, and I can say happy ako.

"'Tsaka sa sarili ko, gusto ko mag-grow by myself, gusto kong mag-grow within myself.

"Sakto lang, ako yung nag-decide na wala na talaga."


BREAKING HER SILENCE. May rason daw kaya hindi agad nagsalita si Bea tungkol sa hiwalayan nila ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Ayoko kasi sabihin ng mga tao na may promo lang ng movie [Liwanag sa Dilim] kaya gumigimik.

"Ayokong sabihin na ganun yung reason kaya nag-announce kami na break na.

"Baka isiipin nila na pinaniwala namin sila sa hindi naman totoo, na pati relationship namin ginagamit namin for the promo,

"And during that time, we tried to save the relationship.

"Oo, na-hurt ako ako, kasi first boyfriend and first love ko siya.

"Pero sabi nga natin, 'pag may saya, may kalungkutan.

"Hindi lahat ng oras masaya, minsan dadaan ka din sa point na masasktan ka to be strong."


SUITORS. Wala pa naman daw bagong nanliligaw ngayon kay Bea.

"Wala pa namang nagpaparamdam and besides, hindi ko pa iniisip 'yan kasi too soon.

"Alam ko na darating din 'yan, pero not now.

"If magkakaroon, e, di okey. Kung wala, e, di hindi."

May gusto ba siyang makapareha maliban kay Jake sa mga susunod niyang proyekto?

Sagot ni Bea, "Ako naman kasi, kahit kanino, wala akong ideal na maka-loveteam.

"Sa akin kasi, alam ko naman na kung ano ang makakabuti sa career ko, yun ang gagawin ng Artist Center at ng GMA-7."


PROFESSIONAL RELATIONSHIP. Kumusta naman sila ni Jake ngayon?

Saad ni Bea, "Kami naman kasi, sa dami na ng times na galit-bati kami, ni minsan hindi naman naapektuhan yung trabaho namin.

"Pareho naming mahal yung work namin.

"Kaya kahit may mga times na hindi kami okey, pagharap sa camera, nagagawa namin nang maganda.

"Inilalabas kasi namin sa trabaho yung relasyon namin sa isa't isa.

"Kaya kung makakapagtrabaho kami ulit, walang problema, be professional, kasi trabaho yun," pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN