Paulo Avelino admits relationship with KC Concepcion; but didn’t give details of their breakup

Paulo Avelino categorically admitted that he and KC Concepcion had a relationship. But the Bridges of Love star didn’t give further details about their recent breakup.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Paulo Avelino na nagkaroon sila ng relasyon ni KC Concepcion.

Ito ay sa kabila ng makailang-beses na pahayag ni Paulo sa kanyang mga nakaraang panayam na magkaibigan lang sila ni KC.

READ: Paulo Avelino denies breakup with KC Concepcion: "Wala namang nagbi-break siguro na magkaibigan."

Ngunit sa March 15 episode ng The Buzz, napilitan si Paulo na aminin na naging sila ni KC nang diretsahan siyang tanungin ng host na si Boy Abunda ukol dito.

Tanong ni Boy, “Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni KC, yes or no?

Paiwas na sagot ni Paulo, “KC and I are friends.

“And I’ll always be there when she needs me.

“Well, she’s single, she’s beautiful.

“We have different priorities na, so…”

Ngunit hindi pinaligtas ni Boy si Paulo at sinabing, “You’re not answering the question.”

Paalala pa ni Boy kay Paulo, minsan nang inamin ng aktor sa naturang Kapamilya talk show ang tungkol sa panliligaw niya kay KC noon.

Kaya nang tanungin ulit ni Boy kung nagkaroon si Paulo at KC ng relasyon, isang simpleng “yes” ang isinagot ng 25-year-old Bridges of Love star.

Hindi na nagbigay ng anumang detalye ang Kapamilya actor, ngunit base sa tanong ni Boy ay malinaw na nauwi sa hiwalayan ang pagkakamabutihan nina Paulo at KC.

Sa umpisa ng panayam ay diretsahan ding tinanong si Paulo tungkol sa usap-usapang mayroon siyang isa pang love child bukod sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

Ngunit iginiit ni Paulo na nag-iisang anak niya ang apat na taong gulang na si Aki at wala nang iba pa.

Sabi pa ni Paulo, No, I just have one. Just Aki.”

Naging tampok ng espekulasyon ang diumano’y pagkakaroon ni Paulo ng ikalawang love child, dahil ito ang isa sa mga hinihinalang dahilan kung bakit nagkalabuan sila ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, nauna na ring naihayag ang tungkol sa diumano’y panliligaw ni Paulo sa Kapatid actress na si Jasmine Curtis-Smith.

Ito ay matapos lumabas sa The Buzz ang larawan nina Paulo at Jasmine, kung saan “spotted” ang dalawa na magka-date umano sa isang restaurant.

READ: Is Paulo Avelino's sighting with Jasmine Curtis-Smith related to KC Concepcion's "emo" posts?

Bagamat inamin ni Paulo na totoong nag-date sila ni Jasmine, nilinaw ng aktor na wala silang malalim na ugnayan bukod sa pagiging magkaibigan at magkatrabaho sa pelikulang Mara under Regal Films.

Aniya, “Jasmine and I are friends. We have a film coming out with Isabel Daza.

“And ayun, I just casually have dinner with friends and co-workers, that’s it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN