Ash Ortega enjoys working with Gabby Eigenmann: “Sobrang saya niyang kasama.”

Ash Ortega on working with Gabby Eigenmann: “Ah, si Kuya Gabby, sobrang galing niya! Like tinutulungan niya kami, super-bait. Sobrang nire-respect ko siya kasi on and off-cam, talagang consistent siya sa amin. Kahit off-cam kinukulit kami, para siyang daddy sa amin, pinagsasabihan kami, tinutulungan kami.”


Dati ay magka-love triangle sa My Destiny sina Ash Ortega, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia.

Pero tila “naligwak” siya dahil ang binubuo na ng GMA na loveteam ngayon ay sina Gabbi at Ruru.

Pero hindi naman daw masama ang loob ni Ash sa pangyayaring ito.

“Okey lang naman po sa akin. If kami talaga ni Ruru, kami. Kung hindi kami hindi naman maipipilit iyon.

“'Eto naman po, pinu-push naman po yung bago, si Juancho at ako so siyempre kung hindi kami ni Ruru ang para sa isa’t isa hindi na po namin ipagpipilitan.

“So I think nag-work naman sa kanilang dalawa ni Gabbi, so I’m happy for them.

“Right now naman marami akong work sa GMA, nagpu-focus ako sa akin.”

NEW LOVETEAM PARTNER. Si Ash kasi ay inila-loveteam ngayon sa Kapuso hunk na si Juancho Triviño. Sila ang magkapareha sa InstaDad na pinagbibidahan ni Gabby Eigenmann na gaganap bilang si Kenneth.

Dito ay ka-love triangle naman nina Ash (bilang si Mayumi) at Juancho (bilang si Dwight) ang Kapuso male newcomer na si Prince Villanueva (bilang si Ikot).

Ano ang pinakagusto ni Ash kay Juancho?

“Siguro ang pinakagusto ko kay Juancho yung eyes niya, 'tapos yung height niya maganda,” saad niya.

Matangkad si Juancho at si Ash naman ay five feet six inches ang taas kaya bagay sila.

“'Tsaka mabait po siya,” pahabol pa niya.

Umaasa si Ash na magtatagumpay ang tandem nila ni Juancho sa InstaDad.

“Kaming lahat hope namin na sana tumagal yung show,” dagdag ni Ash.

Kasama rin sa InstaDad ang young female stars na sina Gabbi Garcia bilang si Marikit at Jazz Ocampo bilang si Maaya.

Gaganap naman bilang si Gracia ang aktres na si Matet de Leon sa InstaDad.

Ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

Ipapalabas ang InstaDad ngayong Abril.

Bukod kina Gabbi at Jazz ay si Gabby ang madalas kaeksena ni Ash sa InstaDad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH GABBY. Nakasama na ni Ash si Gabby sa Paraiso Ko’y Ikaw pero hindi sila nagkaroon ng eksenang magkasama doon.

At ipinagpapasalamat ni Ash na sa wakas ay nakaeksena na niya si Gabby sa InstaDad.

“Ah, si Kuya Gabby, sobrang galing niya! Like tinutulungan niya kami, super-bait.

“Sobrang nire-respect ko siya kasi on and off-cam, talagang consistent siya sa amin.

“Kahit off-cam kinukulit kami, para siyang daddy sa amin, pinagsasabihan kami, tinutulungan kami.

“Actually, before pa ng InstaDad, gustung-gusto ko na siyang makatrabaho kasi sa Paraiso Ko’y Ikaw. Nag-enjoy talaga ako kasama siya, yung company niya.

“Sobrang saya niyang kasama. So on and off-cam same lang.”

FORMER SCREEN NAME. Dati ay Ashley Ortega ang screen name niya, okey lang daw sa kanya kung ginawa na siyang Ash Ortega.

“Opo. Actually, Ash, Ashley parehas lang po iyon. So siguro Ash Ortega na po talaga,” paglinaw niya.

Dalawa at kalahating taon nang contract star ng GMA Artist Center si Ash, may natitira pang two and a half years sa kanyang kontrata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN