Kristoffer Martin shrugs off rumors linking him to Bea Binene: “Nakakatawa naman...”

Kristoffer Martin douses rumors blaming him as the reason behind the breakup of Jake Vargas and Bea Binene: “Kaibigan ko lang si Bea. May mga bagay-bagay lang na pareho naming gusto, like yung pag-akyat-akyat ng bundok. Never pa kaming lumabas na kami lang. Lagi namin kasama yung mga kaibigan namin.”


Natatawa na lang ang young actor na si Kristoffer Martin sa pagkaka-link nito sa kaibigang si Bea Binene.

Sabi nga ni Kristoffer nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa pamamagitan ng telepono, “Nakakatawa naman 'yang tsismis na 'yan. Ano ba naman 'yan?

“Kaibigan ko lang si Bea. May mga bagay-bagay lang na pareho naming gusto, like yung pag-akyat-akyat ng bundok.

“'Tsaka hindi lang naman kami ni Bea ang magkasama. Marami kami, kasama namin yung mga kaibigan namin.

“Never pa kaming lumabas na kami lang. Lagi namin kasama yung mga kaibigan namin,

“Hindi naman porke't nakakasama mo ang isang tao ibig sabihin kayo na.”



NOT REASON BEHIND JAKE-BEA BREAKUP. Idiniin din ni Kristoffer na wala ding basehan ang mga haka-hakang siya ang dahilan na paghihiwalay nina Jake at Bea dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

Pakiusap niya, “'Wag nila idawit ang pangalan ko sa paghihiwalay ni Bea at Jake dahil pareho ko silang kaibigan.

“Alam kong may rason sila kung bakit sila naghiwalay, at hindi ako ang dahilan.

“Si Bea at si Jake lang ang makakasagot ng tunay na rason kung ano talaga ang dahilan ng breakup nila.

“'Tsaka ayokong makasira ng relasyon ng iba dahil ayaw ko rin namang mangyari yun sa akin.

“Katulad ng sabi ko kanina, kaibigan ko lang si Bea at wala nang iba pa.”



BEA NOT AFFECTED BY RUMORS. Sinabi rin ni Kristoffer na hindi naman naaapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Bea dahil sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

Saad niya, “Hindi naman kami naapektuhan dahil alam naman namin ang totoo.

“'Tsaka tsismis lang naman yun. Natawa nga kami ni Bea kasi sa tagal naming magkaibigan since Tweenhearts time ngayon lang kami natsismis dalawa.

“Ang tagal na naming lumalabas kasama yung ibang kaibigan namin.

“Hindi naman namin sisirain yung pagiging magkaibigan namin dahil lang sa tsismis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WORKING WITH BEA. Willing naman daw si Kristoffer na makatrabaho si Bea kung bibigyan sila ng pagkakataon.

“Bakit naman hindi? Kaibigan ko naman siya at nakasama ko na rin naman siya sa ibang mga shows ng GMA.

“Mas magandang magtrabaho kung mga kaibigan mo ang kasama mo dahil magiging smooth ang trabaho niyo dahil magkaibigan kayo.

“Kung bibigyan kami ng GMA ng show na magkasama, okey lang. Sila pa rin naman ang masusunod kung sino ang makakasama ko sa trabaho.

“Ako naman kasi yung tao na hindi namimili ng makakatrabaho,” pahayag niya.



ZERO LOVELIFE. Inamin din ni Kristoffer na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend.

Ani Kristoffer, “Medyo matagal-tagal na rin na zero yung lovelife ko, pero okey lang naman at nae-enjoy ko naman ang pagka-single

“Choice ko na rin na 'wag muna mag-girlfriend para mas makapag-focus ako sa pag-aaral at pag-aartista.

“Alam ko naman na balang araw darating din yung babaeng para sa akin na makakasama ko sa pagtanda.

“Pero sa ngayon, hindi ko pa siya natatagpuan at ayaw ko namang hanapin. Mas magandang isang araw dumating na lang siya.

“Sa ngayon busy muna ako sa trabaho at pag-aaral. 'Tsaka na ang lovelife.”



JOYCE CHING. Pinabulaanan din ni Kristoffer ang tsismis na nagkabalikan sila ng dati niyang nobyang si Joyce Ching.

Diin niya, “Magkaibigan lang kami ni Joyce. Katulad ko trabaho din ang priority niya.

“Okey yung working relationship namin dahil pareho kaming sa trabaho naka-focus ngayon.”

NEW PROJECT. Ano naman ang pinakabagong project ni Kristoffer ngayon?

“Yung Healing Hearts na 'di namin alam kung kailan ipapalabas, kasi laging naatras yung pagpapalabas niya.

“Pero tuluy-tuloy pa rin yung taping namin. Hopefully, sana mapalabas na siya.

“'Tapos SAS [Sunday All Stars] and guestings sa iba't ibang shows ng GMA,” pagtatapos ni Kristoffer .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN