Mariel Rodriguez sad over miscarriage?

Hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan ng kalungkutan ni Mariel Rodriguez, pero base sa kanyang posts at sa mga komento dito, tila nakunan ang TV host-actress sa kanyang ipinagbubuntis.


Magli-limang taon nang kasal sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

Pero sa tuwing natatanong sila kung kailan nila planong magka-baby, lagi nilang sinasabing ini-enjoy muna nila ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Pero nitong nakaraang March 13 and 14, dalawang magkasunod na posts sa Instagram at Facebook ang ibinahagi ni Mariel sa kanyang followers.

Sa naturang posts, mukhang malungkot ang misis ni Robin at may kasama pang hashtag na "#byecutiepie" ang kanyang posts.

Hinala ng maraming nagku-comment sa posts niyang ito, nakunan si Mariel sa kanyang ipinagbubuntis.

Narito ang unang post ni Mariel:

not all days are happy... some days are sad. #byecutiepie

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) onMar 13, 2015 at 11:53pm PDT

Kasunod nito ang isa pa niyang post kung saan nagpasalamat siya sa kanyang mga kapamilya at sa asawang si Robin sa kanilang pagmamahal.

Sabi ng 30-year-old na si Mariel: โ€œHaving a sad day doesn't mean its the end of the world. sh*t really does happen but today i felt so much love from my family and concerned friends. i am grateful because i am not alone during this turbulent phase in my life i have my sister, my stepdaughters, my friends and my husband. one day the sun will shine again. ๐Ÿ™ #byecutiepie

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel, pero hanggang ngayon ay hindi pa ito sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN