Jolo Revilla thankful for "second lease on life" as he celebrates 27th birthday

Isang simpleng selebrasyon ang ginawa kaugnay ng 27th birthday ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla nitong Linggo ng tanghali, March 15. Noong umaga ay nagtungo sila sa Custodial Center ng Camp Crame, kung saan naka-detain ang kanyang ama na si Sen. Bong Revilla, at pagkatapos ay nagkaroon din ng maliit na salu-salo sa kanilang tahanan sa Ayala, Alabang. (Kasama ni Jolo sa larawang ito ang anak na si Gab at ang kasintahang si Jodi Sta. Maria.)


Isang simple at masayang pananghalian ang selebrasyon ng 27th birthday ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla na ginanap sa Custodial Center ng Camp Crame, kung saan naka-detain ang kanyang ama na si Senator Bong Revilla, noong Linggo ng tanghali, March 15.

Kumpleto ang buong pamilya na dumalo doon na sinimulan muna ng isang prayer and worship service, na ginagawa naman nila tuwing Linggo.

Kasama rin ni Jolo roon ang kasintahang si Jodi Sta. Maria na abala sa pag-asikaso sa kanya.

Ang Kapamilya actress ang naglalagay ng ice bag sa ulo ng actor-politician dahil sa inaatake ito ng migraine nung oras na iyon.

Si Jodi rin ang may hawak ng mga gamot ni Jolo na iniinom dahil alam nito ang schedule ng pag-inom nito.

Binuksan ni Jolo ng isang prayer ang pagsisimula ng prayer service.

Binanggit niyang binigyan siya uli ng Panginoon ng pangalawang buhay dahil mayroon pa siyang misyon para sa kanyang mga mahal sa buhay, sa sarili, at sa mga taga-Cavite.

Kaya patuloy siyang nagpapasalamat at nagpupugay sa Diyos dahil sa hindi raw siya pinabayaan.

Ang topic na pinag-usapan ng pastor sa naturang service ay tungkol sa positive thinking, na panay ang tingin ni Senator Bong kay Jolo dahil nakaka-relate daw ito.

LANI MERCADO’S TESTIMONY. Nagbigay rin si Lani Mercado ng testimonya kaugnay sa paksang pinag-usapan.

Ayon sa congresswoman ng Bacoor, araw-araw ay pina-practice niya ang pagtanggap at pag-iisip ng mga positibong bagay.

Mayroon daw siyang prayer na laging dinadasal para maging positibo ang buong araw.

Sabi pa ni Lani sa kanyang testimoniya, “We may go into battles at this time in our lives, but what people sees in us are remarkable things. Successful in the battles that we foresee.

“We are given peace, we are given Shalom despite the situation that Sen. Bong is in right now, despite the situation that Jolo is in right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Probably we would like to ask God also to provide us not just the gift of positivity but a gift of Shalom; because it is only in peace that we can create positivity in our hearts and in our minds, so that our thoughts and our actions would be parallel to each other.”

JOLO’S FACEBOOK POST. Bago matapos ang araw, si Jolo naman ay nag-post sa kanyang Facebook account ng saloobin sa pagdiriwang ng kaarawan niya.

Aniya, “As I celebrate my 27th birthday, I share it with everyone, along with all the blessings our Lord God Father Almighty has granted me on this special day of my life.

“I thank Him for have given me a second lease on life and for entrusting me with whatever mission He has for me here on earth.

“I thank my family, relatives, friends, fans, and constituents in the Province of Cavite and everyone who prayed and who continue to pray for my recovery.

“Thank you too for the support of our people of the Province of Cavite continue to bestow on my leadership as Vice Governor of our beloved province.

“I am happy to inform that I am on the road towards my fullest recovery and hopefully, I can be with you physically in 30-60 days, at the latest.

“You are all my source of strength and inspiration to continue serving our people. Maraming-maraming salamat po muli and God bless us all.”

Ilang linggo bago nagdiwang ng kanyang kaarawan si Jolo ay na-confine siya sa hospital ng ilang araw dahil sa aksidente umano nitong pagkabaril sa sarili, na naging dahilan upang maoperahan siya.

Read: Jolo Revilla rushed to the hospital for gunshot wound

Sinubukan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hingan ng pahayag si Jodi, pero tumanggi ito.

“Nagsalita naman ang family, wala na akong sasabihin pa, e,” sambit ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng pananghalian ay nagkaroon din ng kaunting salu-salo sina Jolo at Jodi sa tahanan ng una sa may Ayala, Alabang, kasama ang ilan nilang malalapit na kaibigan at kamag-anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN