Arnell Ignacio seeking a companionable man at 51: "Yung kikiligin ka naman, makita mo pa lang sumasaya ka na."
by Glen P. Sibonga posted on

Arnell Ignacio hopes the LGBT community will not waste the respect it has gained so far. "Instead of doing rallies... maya’t maya fighting for our rights, iginagalang na, e... binuksan na yung pinto, ipakita mo na magaling ka. Pangalagaan na natin itong nabuksang avenues para sa atin.”


Magdiriwang ng kanyang ika-51 kaarawan ang TV host-comedian na si Arnell Ignacio sa Martes, Marso 17.

Kung ang ibang celebrities ay ayaw aminin ang kanilang tunay na edad tuwing magbi-birthday, siya naman ay proud pa sa kanyang edad.

“E, kasi sa edad ko, nakakasabay pa ako sa mga mas bata sa akin, like tumakbo, magbisikleta, kaya masarap.

"At saka parang maganda pa rin naman ako kahit na lampas 50 na ako," biro pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arnell sa dressing room pagkatapos ng taping ng kinabibilangan niyang Kapatid public affairs program na Solved Na Solved noong Marso 11 sa TV5 Media Center.

Sa naturang taping sinorpresa si Arnell ng kanyang co-hosts na sina Gelli de Belen at Atty. Mel Sta. Maria, gayundin ng production staff, sa pamamagitan ng isang birthday segment.

Mapapanood ang naturang episode ng Solved Na Solved sa Marso 17.


BIRTHDAY WISH. Ano pa ba ang mahihiling ni Arnell sa kanyang birthday?

Tugon niya, “Nagpapasalamat ako na nakakapag-birthday pa ako.

"And sana, yung mga itinayo kong negosyo lalo pang lumaki, like yung Creative Hair Systems, na isang biro lang noong araw.

"Now, institution na siya and, kumbaga, pagdating sa hair restoration, kami na yung byword.

"At saka yung bagong build and sell naming business.

"Kaya naman ako nagtatayo ng ganito para naman yung anak ko, 'pag dumating yung panahon, siya na yung magpapalakad ng mga ito.

"Para rin naman sa future ng anak ko ang mga negosyong ito.

"Siyempre, pangalagaan din ang health, kaya conscious na conscious ako doon.

"At sana magka-lovelife ako.

"Parang yun lang talaga ang gustong sabihin, kung anu-ano pa ang sinabi!" sabay tawa niya.


GOOD MAN HUNTING. Sana raw makatagpo na siya ng tunay na magmamahal sa kanya kasabay ng pagmamahal sa kanyang unica hija na si Sofia, na nakatira sa kanyang poder simula nang maghiwalay sila ng ex-wife niyang si Frannie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang naman daw sa anak ni Arnell ang pagkakaroon niya ng lovelife, kahit pa sa kapwa-lalaki.

“Oo, okay lang sa kanya kasi ang isasagot lang sa iyo nun, ‘That’s his life.’

"Ang aalalahanin lang naman nun ay baka yung oras ko sa kanya nauubos, yun lang naman, e.

"Ire-remind lang ako nun na, ‘Papa, you’re not a good father last month.’

"So, basta yung oras lang naman sa kanya ay hindi nagkukulang.

"At saka sasabihan ako noon 'pag medyo sablay na ako.”

Bukod sa mamahalin siya at ang anak niya, ano pa ba ang hinahanap ni Arnell sa susunod niyang makakarelasyon?

“Yung kinakikiligan mo naman, 'di ba?

"Yung kikiligin ka naman, makita mo pa lang, sumasaya ka na.

"Parang yung energy mo, laging mataas. 'Pag may lovelife ka, parang hindi ka napapagod.

"Lagi kang masaya, kahit pangit ang mga balita parang maganda pa rin sa iyo."

Hindi man updated si Arnell sa nangyayari sa buhay ngayon ng kanyang ex-wife, civil naman daw sila at walang problema.

Hinahayaan niya rin daw na magkaroon ng komunikasyon at maka-bonding ni Sofia ang nanay nito.

Saad ni Arnell, “Ang importante sa akin, ang mama niya nakakausap niya, nakakasama niya.

"Hindi nawawala yung figure na iyon sa buhay niya.

"Siyempre wala namang kinalaman yung relasyon namin [ni Frannie] sa relasyon nila.

"Kaya kailangan nagba-bonding sila at nararamdaman niya na nandiyan lagi ang kanyang mama."


LGBT. Sa taping ng Solved Na Solved nakita ng PEP ang pagkagulat ni Arnell nang dumating sa studio ang kanyang ama na si Daddy Edgardo para sorpresahin siya sa kanyang birthday.

Bumati rin kay Arnell via phone patch ang kapatid niyang si Gina, at siyempre si Sofia.

Inamin ni Arnell na ikinagulat niya ang pagdating ni Daddy Edgardo dahil nagkataon pa namang ang paksang tinatalakay ng sa naturang episode ay tungkol sa diskriminasyon at karapatan ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat talaga ako kasi yung discussion, parang hindi ko maiisip na iimbitahin ang magulang ko.

"Kasi we’re talking about LGBT, 'tapos nagkukuwento pa ako tungkol sa buhay ko noon.

"Alam naman nila, pero siyempre, noong panahon namin, kakaiba.

"Ang daddy ko ang kontrabida noon, kumbaga. 'Buti nga wala ang mommy ko diyan.

"Kasi noong umamin ako sa kanya tungkol sa gender ko, sabihin ba namang mabuti pa raw na napilay ako at namatay!” natatawang kuwento ni Arnell.

Ngayon daw ay tanggap na tanggap na ng kanyang mga magulang ang kanyang pagkatao at mahal na mahal siya ng mga ito.

Masuwerte rin daw ang mga bading ngayon dahil
mas tanggap na ito ng society kumpara noon.

“Siyempre, ang reference ko lang diyan palagi, during the period na ang homosexuality ay talagang hindi masasabing tanggap, hindi talaga.

"Noon, 'pag sinabing bakla ka, ikahihiya ka ng pamilya niyo, ng lahi niyo.

"Gays now are so lucky, na even sa lovelife napaka-liberal.

"Para ngang kung lalaitin mo ang bading ngayon, ikaw ang hindi uso, parang ang luma mo, ang bobo mo, ang kitid ng utak mo.

"Pero ang gusto ko namang sabihin sa mga gay, if you want to participate in the natural order and gain respect.

"Yung katulad din ng sinabi ng guest namin kanina si Francine [Garcia, Super Sireyna winner], kailangan din naman kumilos ka na nirerespeto mo yung difference ninyo.

"Respetuhan lang iyan."


EARNING THE RESPECT. Sa ngayon nga raw ay marami ng bading ang kinikilala ang talento at husay sa iba’t ibang trabaho at aspeto ng lipunan.

Bilang isang celebrity, ano ang gusto niyang sabihin sa mga kapwa niya na miyembro ng LGBT community.

“Ngayon, I think ang mas importante ngayon, e, pangalagaan natin kung ano yung na-achieve ngayon.

"It’s a milestone already comparing to how it was before. Ang laki-laki na ng nabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang laki-laki na ng respetong ibinibigay sa atin, so pangalagaan natin ito.

“Siguro yung pagiging sensitive natin, instead of doing rallies, instead of maya’t maya fighting for our rights, iginagalang na, e.

"Ang inaantay natin ngayon, e, tapatan mong lahat sa galing kasi binuksan na ang pinto para sa atin, e.

“Kung sinasabi mong hindi ako magaling, ipapakita ko sa iyo.

"Example, ako madalas akong nagpa-participate sa mga competition na so-called pang-lalaki. And madalas pumupuwesto ako.

"So, hindi na nagiging usapin kung ano ang aking sexual preference, ang pinag-uusapan doon yung galing.

"Like, yung sa endurance race ng mga kotse, nakaka-second ako, nakaka-third, and wala nang mag-uusap doon kung, ‘Ano ba iyan, bading ba iyan?’

"Wala nang ganun, kasi binuksan na yung pinto, ipakita mo na magaling ka.

"Pangalagaan na natin itong nabuksang avenues para sa atin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN