Ariella Arida to bashers of her Binibining Pilipinas hosting stint: “Sorry na mga madam!!!”

Like a true beauty queen, Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida chose to take the peaceful approach towards her detractors over her hosting stint in Binibining Pilipinas 2015. Ariella (center) together with her Binibining Pilipinas co-hosts, Venus Raj (left) and Shamcey Supsup-Lee.


Grace under pressure.

Ito ang katangian ng isang mahusay na beauty queen, gaya ng ipinamalas ng Miss Universe-Philippines 2013 na si Ariella Arida, matapos siyang i-bash ng ilang netizens dahil sa kanyang diction at hosting skills.

Si Ariella ay isa sa co-hosts ng Binibining Pilipinas 2015 Grand Coronation Night na ginanap nitong Linggo, March 15, sa Smart Araneta Coliseum.

Kasama niyang naging co-hosts ang fellow beauty queens na sina Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj at Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee.

Sa halip na patulan, isang maiksing mensahe ang ipinost ni Ariella sa kanyang Twitter account sa mga kumutya sa kanyang pagsasalita.

Ani Ariella: “Pasensiya na mga madam!!! Love you all!!!

Narito ang ilang tweets na may pagkutya na natanggap ni Ariella kaugnay ng kanyang pagsasalita:

Pero kung may kumutya kay Ariella, meron din naman nagtanggol sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN