Sylvia Sanchez as keeper of Gretchen Barretto’s secrets: "Hanggang kamatayan, hindi ko yun sasabihin kahit na kanino."

Sylvia Sanchez is not spared by bashers claiming she won an acting award on the back of her connection with the entertainment press. “Kahit kaibigan ka ng mga press kung bobo ka umarte o hindi ka magaling umarte, nakakahiya naman sa mga press para ipaglaban ka,” she snorted.


Nalantad ang pagiging magkaibigan nina Sylvia Sanchez at Gretchen Barretto sa 31st Star Awards for Movie noong March 8, kung saan magkatabi sila ng upuan at hindi na naghiwalay pa.

Sabay rin silang umakyat ng entablado at ipinahayag ang kanilang friendship nang mag-tie sila sa award for Best Supporting Actress para sa parehong pelikula nila, ang The Trial.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagtatanggol ni Sylvia kay Gretchen sa walang katapusang pambabatikos sa huli.

Saad ng character actress, kilalanin muna raw ng mga ito ang kaibigan bago nila husgahan.

Kung makilala lang daw ng mga lumalait kay Gretchen at makikita ang kalooban nito, malalaman daw nila kung gaano kabait ang fashionistang aktres.

“Kung tutuusin, mababaw lang ang kaligayahan ni Gretchen, e,” sambit ni Sylvia sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


LONGTIME FRIENDS. Paano nagsimula ang pagkakaibigan nilang dalawa?

Lahad ni Sylvia, “Seiko Films pa, mga 1991 o 1992, sexy pa kami noon.

"Mabait na siya sa akin, gusto ko na siya.

“Mabait na yung pakikisama niya sa akin and after nun, nagkasama nga kami sa dalawang pelikula.

"And after nga noon, mas lalo siyang naging mabait, mas lalo siyang naging humble.

“Kung makilala lang siya… 'di ba, nung nadya-diyaryo si Gretchen...

"Sa totoo lang, kung makikilala nila ang tunay na Gretchen, may puso siya.

“Mababaw siyang tao kasi ang babaw ng kaligayahan ni Greta.

"Nakita ko 'yan nung magkasama kami sa The Trial."


CONFIDANTE. Nailalabas ba ni Gretchen sa kanya ang mga sentimiyento nito sa buhay?

Ayon kay Sylvia, “Actually, there was one time na nag-usap kami tungkol diyan.

"Pero kung anuman yun, nirerespeto ko si Gretchen.

"Nagtiwala siya sa akin. Hanggang kamatayan, hindi ko yun sasabihin sa kahit na kanino.

“Kasi yung respeto, malaking bagay yun sa akin, e.”

Bilang kaibigan, ano ang nararamdaman niya para kay Gretchen, na inuulan ng batikos at kontrobersiya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, I love Gretchen.

"Yung puso niya, kung makikilala mo lang siya...

“Hindi ako nagsasalita para lang magpalakas sa kanya. Hindi ko kailangan yun.

"Kilala naman ninyo ako, 'pag ayoko, ayoko."

Hindi kaya dahil siya si Sylvia Sanchez, na may angking husay sa acting at professional, kaya siya pinakikisamahan nang maganda ni Gretchen?

Tugon ni Sylvia, “Actually, nakita ko yun sa The Trial namin.

"Walang halong biro, pero 'Bakit naman Sylvia Sanchez? Ganun ba si Gretchen? Tumitingin ba siya ng estado ng mga tao?'

"Hindi ko alam.

"Pero sa akin, pinakitaan niya ako ng maganda kaya ganun din ako sa kanya.

“Saka nakita ko yun sa Payatas. Nang nag-shooting kami doon, nakita ko kung ano yung attitude ni Gretchen sa Payatas.

“Kung maarte si Gretchen, makikita at makikita mo yun.

"Pero surprisingly, hindi naging maarte si Gretchen sa Payatas."

Dagdag niya, "Ang nakikita ko, yung kabaitan niya at walang kaarte-arte sa katawan…

“I love Gretchen. Mas lalo ko siyang minahal nung makita ko yung mga katangian niya.”


DARLING OF THE PRESS. Samantala, walang alinlangang sinagot ni Sylvia ang intriga tungkol sa diumano’y pagiging malapit niya sa press kaya siya nananalo ng award.

Nilinaw niya na ngayon lang siya uli nanalo ng acting award pagkalipas ng ilang taon.

“Actually, sabihin natin, pagpasok ko pa lang sa showbiz, ang daming kaibigan ko...

“Kumbaga, walang masamang makipagkaibigan sa mga press.

“Alam mo, kahit kaibigan ka ng mga press, kung bobo ka umarte o hindi ka magaling umarte, nakakahiya naman sa mga press para ipaglaban ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN