Carmina Villarroel admits she will be a stage mom to twins Mavy and Cassy once they enter showbiz

Carmina Villarroel on being hesitant to allow her twins to join showbiz: “Kasi ako, parang sana huwag na muna, kasi parang nag-e-enjoy sila sa pag-aaral. Magagaling sila sa school, sa academics. Parang nanghihinayang lang ako. So, sa ngayon, yun nga, commercials, mga ASAP, it’s fine with me. Pero kung magiging career nila, parang ‘wag na lang sana.”


Mabilis na “yes” ang sagot ni Carmina Villarroel nang tanungin kung magiging stage mother kaya siya kapag nag-artista na ang kambal niyang anak na sina Cassandra at Maverick.

Ngunit paglilinaw ni Carmina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “But not in a bad way.

“Anak ko ‘yan, e. Siyempre, pakikialaman at pakikialaman ko siya.

“Ngayon, magtaka kayo kung hindi ko siya pakialaman.

“Parang nerbyusin kayo kung hindi ko gawin yun.”

Sa hiwalay na panayam sa mister ni Carmina na si Zoren Legaspi ay sinabi nitong mas okey sa kanya na mag-artista ang kambal nilang anak kumpara sa misis niyang aktres.

Bakit nasabi ito ni Zoren?

Ayon kay Carmina, “Kasi ako, parang sana huwag na muna, kasi parang nag-e-enjoy sila sa pag-aaral.

“Magagaling sila sa school, sa academics. Parang nanghihinayang lang ako.

“So, sa ngayon, yun nga, commercials, mga ASAP, it’s fine with me.

“Pero kung magiging career nila, parang ‘wag na lang sana.”

Ngayong lumalabas na sa TV commercials ang mga anak nila, posible bang sa showbiz din ang punta ng mga ito?

Saad ng aktres, “Ngayon kasi, nag-e-enjoy sila.

“Pero meron din silang ibang gusto.

“Parang hindi naman sila yung nagpi-plead na, ‘Please, gusto kong mag-artista.’ Wala namang ganun.

“Kasi nga, ang dami nilang ginagawa sa buhay nila.

“At saka, marami silang gustong gawin.

“Kami ni Zoren, parang ini-explore lang namin. ‘Sige, mamili kayo.’

“After college, I don’t know, kung kaya nilang pagsabayin at sasabihin nila sa amin na, ‘Mom, gusto ko talaga,’ I guess, wala na akong magagawa kung hindi ang suportahan siya.

“Pero magiging stage mom ako in a very loving way. Yung iibahin ko.

“Kasi, kapag sinabi mong stage mom, parang negative.

“Ang gusto ko, kapag stage mom, iibahin ko siya. Yung stage mom, equal supportive mom.

“Kahit na anong sabihin mo, anak ko ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, walang nakakakilala sa anak ko kung hindi ako.”

ROLE MODELS. Kaugnay pa rin ng pagiging stage mom, sinabi ni Carmina na naiintindihan niya ang mga ina nina Sarah Geronimo at Ruffa Gutierrez na sina Divine Geronimo at Annabelle Rama, respectively.

“That’s why I understand sila Mommy Divine, sila Tita Annabelle Rama.

“Kaya kami ni Zoren, 'Oo nga naman, they’re just protecting their children.'

"Siguro sa ibang tao, iba lang ang dating.

“Pero ako, pakikialaman ko talaga ang outfit ng anak ko.

“Okay, fine, may stylist, but I will talk to the stylist.

“Like, ‘Kasi parang hindi bagay kay Cassy yung ganito,’ in a very nice way.

“So, hindi mo iisipin na nakikialam siya.”

Kilala si Mommy Divine na konserbatibo pagdating sa pagpapalaki nito sa anak, lalo na kay Sarah. Ganun din ba siya kay Cassy?

Ayon kay Carmina, “Pagdating sa anak, oo, konserbatibo ako.

“But you know, I don’t like to compare myself kay Mommy Divine.”

Naa-appreciate naman daw niya ang paraan ng pagpapalaki ni Mommy Divine kay Sarah.

Sabi ni Carmina, “Marami tayong naririnig na stories kay Mommy Divine, pero wala tayo dun, e. Hindi natin alam 24/7.

“Basta ako, bilang nanay, naiintindihan ko siya.

“Although, hindi ko alam ang istorya o kung sino ang nagsasabi ng totoo.

“But, nanay ‘yan, e. Hindi naman niya gustong mapasama ang anak niya.

“May kanya-kanya tayong paraan ng pagdi-disiplina at maaaring ito ang paraan niya. I don’t want to question that.

“And I don’t want to say na mali, anak niya yun at wala tayong pakialamanan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN