Carmina Villarroel blocks online bashers of daughter Cassy after Darren Espanto’s confession

Carmina Villarroel on ideal-family tag: “Siyempre, happy na napapansin ng mga tao. Pero minsan, parang nakakatakot na, kayo ang perfect, ideal family… ‘Sandali, ha, we’re not perfect.’ Hindi talaga kami perfect.”


Dahil sa pag-amin ng The Voice Kids Philippines runner-up na si Darren Espanto na crush niya si Cassy Legaspi, naging biktima ngayon ng bashers ang babaeng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

May ilan sigurong masugid na tagahanga ni Darren na nagselos kay Cassy o hindi sang-ayon sa sinabi nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carmina ay kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa pamba-bash ng ilan kay Cassy.

Natatawang sabi niya, “Siyempre, gusto ko rin maging violent!

“Kaya ko nasasabi yung word na stage mom, siyempre anak ko yun.

“Kung ako ang titirahin niyo, hello, dedma to the world! Hindi ko kayo papatulan.

“Iba kapag anak niyo na ang papatulan.”

Ano ang ginagawa niya kapag may mga nababasa siyang negatibong komento tungkol sa kanyang anak?

Ayon kay Carmina, “Bina-block ko na lang. Thank God there’s block and delete.

“Opinyon nila yun, e. So, ako, I just delete and block, which is so easy.

“Hindi ko rin naman maintindihan sa ibang tao, ipa-follow ka para laitin.

“Parang, 'Wala talaga kayong magawa ano?'

“So, ang reaksiyon ko, yun nga, block na lang para hindi ko mababasa. Siyempre nanay ako, mahe-hurt ako.

“Pero sinasabi ko nga, ano ang kasalanan ni Cassy?

“Wala naman siyang kasalanan dahil hindi naman siya ang nagsabi na ‘crush ko si Darren’ or ‘Darren, i-crush mo 'ko.’

“Kumbaga, nagkataon lang na si Darren, crush si Cassy.”

Ano naman ang reaksiyon ni Cassy sa mga batikos na natatanggap nito?

Sabi ni Cassy, “Cassy is not affected.

“Alam niya na meron na siyang bashers.

“Pero, at a very young age, nakikita ko na strong yung bata. ‘I don’t mind, I’m not affected.’

“Siyempre nga, bilang nanay ako, ako ang affected.”

DARREN’S CRUSH. Ano naman ang reaksiyon ni Carmina nang malaman niyang crush ni Darren ang kanyang 14-year-old daughter?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman kasi bata pa. Parang wala lang…

“‘Uy, crush ka raw ni Darren!’ Parang wala lang.

“Siyempre babae ako, makikita ko. Alam ko kung parang nag-blush.

“Siyempre, tinitingnan ko ang reaksiyon.

“Siyempre, hindi niya maitatago sa akin yun.”

Ano naman ang reaksiyon ng ‘nanay’?

“Natutuwa naman ako dahil siyempre, merong nakaka-appreciate sa beauty ng anak ko.

“Pero, kaya rin naman ako ganito, kasi kilala ko ang nanay [ni Darren], kilala ko ang mga magulang, mababait silang tao.

“At saka, alam din naman nilang crush lang.

“Hello, nanggaling din ako diyan!

“Ako nga, nursery pa lang, may crush na. ‘Eto nga, 14!

“So, parang paghanga lang naman and it’s part of growing up, it’s part of admiration.

“At kung makakatulong si Cassy kay Darren, go.

“And I’m sure, may nagtanong kay Darren, ‘Sinong crush mo?’

“It’s not like him saying, ‘Crush ko si Cassy.’”

CHICK MAGNET. Ang kakambal naman ni Cassy na si Mavy ay habulin na raw ng mga babae, ayon sa ama nitong si Zoren.

Sabi ni Carmina tungkol dito, “Parang ganun, e. Pero bata pa.

“Kapag inaano mo, nahihiya. Alam mong wala pa sa isip nila yun.

“At nagpapasalamat ako na wala pa kasi kung meron, parang iiyak ako.”

Sabi rin ni Zoren, idol daw niya si Mavy dahil sa porma at hitsura nito.

Natatawang sabi naman ni Carmina, “Actually, palagi ngang sinasabi ni Zoren na 'idol ko ang anak ko.'

“Very vocal naman siya. Maigi naman kung ganun!

“Siyempre, love your own. Masyado naming mahal ang mga anak namin.”

IDEAL FAMILY. Ano naman ang pakiramdam na marami ang nagsasabing ideal family ang kanilang pamilya?

“Siyempre, very thankful,” sambit ni Carmina.

“Unang-una, wala naman kaming put-on.

“Wala naman kaming, ‘Uy, may tao, magpakitang-gilas tayo, close tayo, ha.’ Wala naman kaming ganun.

“At siguro, by now, malalaman niyo na, ‘Ano ba ‘yan, napaka-fake naman ng pamilyang ‘to?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun lang talaga kami.

“Malaking factor na, siguro kasi, very open kami sa isa’t isa. Para kaming magkakabarkada.

“May point na, ‘Nanay ako, ha.’ May point na, ‘Chummy-chummy tayo.’

“Palagi ngang sinasabi ni Cassy, ‘You know, you’re like my big sister.’

“Siguro, kung paano ako sa kanya, but sometimes, I’m also strict. Na hindi puwede ‘yan.

“Siguro you just have to know your place. Ganun lang talaga kami.”

Dagdag ni Carmina, “Siyempre, happy na napapansin ng mga tao.

“Pero minsan, parang nakakatakot na, kayo ang perfect, ideal family… ‘Sandali, ha, we’re not perfect.’

“Hindi talaga kami perfect.”

Sino ang mas disciplinarian sa kanila ni Zoren pagdating sa mga anak nila?

Sagot ni Carmina, “Siya, siya...

“Actually, hati siya. Kung idol niya si Mavy, ako naman, idol ko siya.

“Hati siya. Disciplinarian at saka spoiler.

“Ako kasi, in-between palagi. Typical na nanay na reminders.

“Like, ‘Don’t forget to wash your hands. Be careful…’ kung paano yung mga nanay natin.

“Siguro, ganoon talaga ang mga nanay, yung lumalabas na lang ang constant reminder.

“Si Zoren kasi, mas takot sa kanya ang mga bata.

“Ako kasi yung, ‘Kaya ko bang panindigan ito?’ Parang kailangan ko pa ng konting motivation.

“Kaya ako, ‘Tatay, ikaw na kasi!’

“Pero kapag nagbiro rin naman si Zoren, ay, hanep naman!

“Kaya ako, idol ko naman siya at malaking factor kung bakit ganito ang mga anak ko, dahil din sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN