Nora Aunor: “Tama na Noynoy, mag-resign ka na…”

Superstar Nora Aunor marches together with advocacy groups and calls for the resignation of President Benigno "Noynoy" Aquino III.


Maaanghang ang mga salitang binitawan ni Nora Aunor laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kasabay ng panawagan nitong bumaba na sa puwesto ang Presidente.

Isa ang Superstar sa mga nakimartsa sa Recto hanggang Mendiola, Maynila, kasama ang Migrante International, para sa 20thdeath anniversary ng overseas Filipino worker na si Flor Contemplacion, na binitay sa Singapore noong March 17, 1995.

Inakusahan si Flor ng pagpatay sa kapwa domestic helper na si Delia Maga at ang alaga nito noong May 1991.

Si Ate Guy ang gumanap sa papel ni Flor nang isapelikula ito noong 1995.

Kasama ring nagmartsa ng Migrante International ang women’s advocacy group na Gabriela ngayong Martes, March 17.

Ipinost naman ni GMA News reporter Cesar Apolinario sa kanyang Twitter account ang matatapang na pahayag ni Ate Guy laban kay PNoy, na gusto na niyang bumaba sa puwesto.

Ikinumpara pa ni Nora ang kasalukuyang administrasyon sa mga nakaraang administrasyon, at sinabing pinakamasahol ang PNoy administration.

Base rin sa tweet ni Cesar, sinabi pa ni Ate Guy na si PNoy ang pangunahing pahirap at pahamak sa mga Pilipino.

Suot din ng Superstar sa nasabing rally ang t-shirt kung saan may nakasulat na “Proud to be a Filipino, ashamed of my government.”

Hindi na bago para sa Superstar ang makisama sa mga ganitong political rallies.

Matatandaang isa si Nora sa nakiisa sa protesta laban kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001, sa kabila ng ikinampanya ng Superstar ang actor-politician nang tumakbo ito sa pagka-Pangulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN