Paulo Avelino declines to answer questions about ex-girlfriend KC Concepcion: “Next time, next time.”

Dalawang araw matapos ang pag-amin ni Paulo Avelino na naging sila ni KC Concepcion, tikom pa rin ang bibig ng aktor na magbigay ng anumang detalye tungkol sa naging relasyon nila ng Kapamilya actress-TV host. Abangan na lamang daw sa mga susunod pang pagkakataon na makausap siya ng media.


Halata ang pag-iwas ni Paulo Avelino na sagutin ang mga tanong tungkol sa recent revelation niyang naging sila ni KC Concepcion.

Ginawa ng Kapamilya actor ang pag-amin sa The Buzz noong Linggo, March 15.

Read: Paulo Avelino admits relationship with KC Concepcion; but didn’t give details of their breakup

Pero sa launching niya bilang isa sa bagong endorsers ng Century Tuna kagabi, March 17, ay tumanggi nang magsalita si Paulo tungkol dito.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Diyahe naman kasi to talk about things na hindi related sa Century Tuna, so next time. Next time.

“Abangan na lang ulit.”

Kumusta na siya ngayon pagkatapos ng kanyang pag-amin?

Paiwas pa ring sagot ng aktor, “I’m happy. I’m very happy that Century Tuna got me.”

Ilang beses hinimas ni Paulo ang aming braso bilang senyales na hindi siya kumportableng sumagot sa mga tanong tungkol sa naging hiwalayan nila ni KC.


THANKFUL. Kahit naiintriga, masaya raw ang Kapamilya actor na bukod sa bagong teleseryeng Bridges of Love na nagsimula nang umere noong March 16, may bago naman siyang endorsement.

Isa siya sa endorsers ng #ABSolutelySummerReady campaign ng Century Tuna. Kasama niya rito sina Jessy Mendiola, Elmo Magalona, at James Reid.

Sabi ni Paulo, “I feel really honored and overwhelmed.

"I never imagine myself to be part of the family.

“It feels really great. Actually, kind of proud din na I’m part of this.”

Tungkol naman sa teleseryeng kinabibilangan, sabi ni Paulo, “Thank you, maraming salamat.

"Sana patuloy niyo pang suportahan dahil simula pa lamang.

"Meron kaming surprise soon, na mari-reveal, mapapanood ng mga Kapamilya natin.

“At siguradong, mai-inspire sila, mai-in love at maiinis at the same time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN