Sid Lucero: “It will take a whole lot of woman to be able to handle someone like me.”

Sid Lucero on handling relationships: “I’m moody. I’m sobra about everything. I get angry. When I’m angry, I’m angry. When I’m malambing, I’m malambing. When I’m not, I’m not. I don’t know what’s wrong with me.”


Bagamat nakakaramdam ng pagkainip ang aktor na si Sid Lucero dahil sa kawalan niya ng bagong project sa GMA network, mula nang magwakas sa ere ang pinakahuli niyang soap na My Destiny, pero naging maganda naman daw ito sa kanyang personal na buhay.

Pahayag ni Sid sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Times like this, I use to focus on myself.

“I get to spend time with my daughter.

“I get to spend time with myself, with my family, and that’s it.”

Nang tanungin kung kasama ba si Alessandra de Rossi sa pinaglalaanan niya ng oras ngayon, nakiusap ang aktor na huwag na itong pag-usapan.

Aniya, “Actually, Alex and I haven’t been seeing each other, oo. But I don’t wanna talk about it.”

Ibig sabihin, loveless siya ngayon?

Sagot ni Sid, “I don’t wanna say loveless. Yes, walang girlfriend.”

Bagamat na-link sila noon sa isa't isa, hindi kailanman umamin sina Sid at Alessandra sa naging estado ng kanilang relasyon.

Nakikipag-date na ba siya sa iba ngayon?

Pag-amin ni Sid, “Yes, I guess.

“I’m seeing people. I’m just living.

“I’m not doing serious naman.

“I’m focused on myself and my daughter.”

Gusto rin ba niyang magkaroon ng stable relationship?

Sagot niya, “Not right now.

“I think I’d rather stabilize myself as a person and as an individual.

“And right now, I’m concentrating on my relationship with my daughter, make sure it’s solid.

“That doesn’t leave much space for extra people in my life right now.”

May isang anak na babae si Sid mula sa dati niyang karelasyon.

HALF-SISTER. Tinanong din ng PEP si Sid tungkol sa half-sister niyang si Andi Eigenmann, na tila nahihirapan din sa kanyang lovelife.

Pero pagkontra ng aktor, “I don’t think na nahihirapan.

“I don’t know the whole story, but we do what we have to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, sana makausap ko si Andi. I don’t know her side, e.”

Hindi ba sila nag-uusap tungkol sa kani-kanilang lovelife?

“Nagkakausap naman kami, pero not about these things, e.”

Humihingi ba ng advice si Andi sa kanya?

“No, not to me. Kay Gabby,” pagtukoy ni Sid sa panganay nilang kapatid.

Sina Sid, Andi, at Gabby ay mga anak ng yumaong aktor na si Mark Gil sa iba’t ibang babae.

Ang ina ni Sid ay si Bing Pimentel; si Andi ay anak ng aktor kay Jaclyn Jose; at si Gabby ay anak ni Mark kay Irene Celebre.

Ayon kay Sid, wala namang pagkakaiba ang kanilang pamilya sa mga karaniwang tao pagdating sa pag-ibig.

“I think as actors or as an Eigenmann is the same as being a normal person.

“We all have our problems. No one has the right to say na this is bigger than yours or whatever.

“But, I think, with whatever we choose to do in life, there are like consequences to it or sacrifices you have to make things happen.

“And it the same for a normal person, I think.”


HARD TO HANDLE. Inamin ni Sid na siya mismo ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang ilan sa past relationships niya.

“I think I’m hard to handle. I believe I’m hard to handle.

“I’m very emotional.

“A lot of my friends think that I’m the girl in the relationship because I’m much more emotional.

“In fact, a lot of people I shared my life with call my moments ‘regla moments.’

“So, I think I am.

“It will take a whole lot of woman to be able to handle someone like me.”

Paano ide-describe ni Sid ang pagiging emotional niya sa relationship?

Saad niya, “I’m moody. I’m sobra about everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I get angry. When I’m angry, I’m angry.

“When I’m malambing, I’m malambing. When I’m not, I’m not.

“I don’t know what’s wrong with me.”

Hindi naman siya possessive?

“No, I’m not possessive. Hindi naman ako seloso.

“I think I’m clingy. Like, I love to spend my time with that person 24/7.

“Kung hindi puwede, hindi naman ako magdadabog. I won’t take it against you.”

Bakit nasabi niyang para siyang babae kapag naging emosyunal siya?

“I don’t know how to give you a situation. Let say I’m just more bini-baby ako…

“Wait, mali yung term na baby, e. I’m just…

“My moods are very erratic. It’s hard to handle for anybody naman, e.”

Hindi kaya dahil isa siyang artist?

“Siguro, I don’t know…

“I don’t consider myself an artist. I’m just me.”

Lahat ba ng mga Eigenmann ay ganun ang personality?

“I don’t think so. Siguro ako lang at yung dad ko,” sabi ni Sid.

Naku-control na ba niya ang kanyang sarili kapag dumarating ang pagkakataong ganito?

“I’m in the process of fixing myself, yeah,” sagot ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN