Iya Villania denies that she’s unhappy about her transfer to GMA

Pinabulaanan ni Iya Villania ang blind item na halos tumutukoy sa kanya na diumano’y hindi siya masaya sa nangyayari sa kanyang career sa GMA.


Mariing pinabulaanan ni Iya Villania ang ilang blind items, na tila tumutukoy sa kanya, na diumano'y hindi siya naging masaya sa kanyang paglipat sa GMA Network.

Diumano, hindi siya satisfied sa kanyang exposure sa Sunday All Stars, kung saan siya unang lumabas pagkatapos niyang umalis sa ABS-CBN.

Medyo nagulat na sagot ng TV host-actress, "Me? No."

Diin pa ni Iya, “I’m so happy. Oh, my gosh, sa'n nanggaling ‘yan?

“Oh, my goodness! That is so funny.

"I have no idea where it came from. But definitely no.

“I’m so happy where I am right now.

"And I’m really enjoying the company of all my co-stars sa Sunday All Stars.

“Hindi ko alam kung saan… imbento ‘yan. Hindi ko alam kong sa'n nanggaling ‘yan."

Inamin naman ni Iya na nami-miss din niya ang kanyang mga dating kasamahan sa Kapamilya network.

“Of course, of course, I miss all my friends.

"The families that I’ve made sa ABS-CBN, kung iisipin din natin, eleven years din yun.

“At hindi naman kasi naging masama or bitter yung paghihiwalay namin.

"So, of course, I miss the people there.

"But in terms of work and exposure, I’m completely happy where I am."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iya sa pocket presscon ng Mundo ni Juan sa Japan, isang special travel show ng GMA News and Public Affairs.

Ginanap ang presscon ngayong Miyerkules ng tanghali, March 18, sa 17thfloor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.


MUNDO NI JUAN SA JAPAN. Ang Mundo Ni Juan sa Japan ay tungkol sa mga buhay ng mga Pilipino na naninirahan na sa Japan.

Bukod sa mga magagandang visitation destinations at historic landmarks, tatalakayin din ng show ang tagumpay ng mga Pinoy na nakikipagsapalaran sa naturang bansa.

Katulad na lamang ng Pinay na si Abby Watabe na isang entertainer noon at isa nang successful businesswoman ngayon sa Tokyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagmamay-ari na ngayon si Abby ng halos 100 karaoke branches sa Tokyo.

Binisita rin ni Iya si Suzuki Sadatsugu, ang dating Survivor Philippines castaway na bumalik na sa Japan matapos ang kanyang short stint sa showbiz dito sa Pilipinas.

Ipalalabas ang Mundo ni Juan sa Japan sa Sabado, March 21, pagkatapos ng Celebrity Bluff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN