Ruffa Gutierrez wants to dare mom Annabelle Rama to pick the ’right man’ for her

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama’s fear that she will become a battered wife again: “A, hindi, marunong na ako. Magaling na akong sumuntok. Baka sila ang maging battered!”


Open na si Ruffa Gutierrez sa relasyon nila ngayon ng French-Israeli boyfriend niyang si Jordan Mouyal.

Nagkaayos na rin sila ng kanyang ina na si Annabelle Rama, bagamat hindi pa nito lubusang matanggap ang relasyon ni Ruffa kay Jordan.

Read: Ruffa Gutierrez reveals recent spat with mom Annabelle Rama over her BF Jourdan Mouyal

Sabi ni Ruffa, “Si Mommy has her seasons, e.

“Kapag good mood siya, tanggap niya.

“There are days naman na kapag masungit siya, hindi niya type.

“Pero alam ko… feeling ko, friends na sila.”

Paano niya nasabing “friends” na ang kanyang ina at ang boyfriend niya?

Paliwanag ng TV host-actress, “After niyang mang-away-away at ipahiya noong birthday niya, noong Pasko, binigyan niya ng Givenchy na tie [si Jordan]. O, ‘di ba?

“So, kung hate niya, bakit niya bibigyan? Unless gusto niyang sakalin with a tie, ‘di ba?

“After that, galit na naman siya. So, hindi ko alam.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Jordan nang regaluhan ito ng tie ni Annabelle?

Sabi ni Ruffa, “Wala, deadma naman siya.

“Even if she ignores him, hi lang siya nang hi.

“Si Mommy naman, parang nakatingin palagi sa langit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa event ng iniendorso niyang Cosmo Skin, sa MOA Atrium, noong March 13.


RUFFA’S DARE. Ang tanong: Alam ba ni Jordan na galit ang mommy ni Ruffa sa kanya?

Saad ng actress-TV host, “Alam niyo kasi, ang maganda kasi sa mga taong may paninindigan, kahit na anong gawin ng kahit sino, basta ipaglaban ka, yun ang pinakaimportante.”

Okey lang kay Jordan na hindi pa siya gaanong tanggap ni Annabelle?

“Para sa kanya, as long as he still respects my mom and as long as he’s still nice to her…

“Sabi kasi ni Mommy, one day, iiwanan din ako nun.

“Paano niya alam, hindi naman siya manghuhula!” natawang sabi ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikukumpara rin ni Annabelle si Jordan sa dating asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas, isang Turkish businessman.

Sabi ni Ruffa tungkol dito, “A, hindi… ako naman ang nang-iwan noon. Hindi naman ako naiiwan.

“Para sa akin, maging positive naman tayo.

“Sabi ko nga kay Mommy, parang gusto ko siyang i-dare.

“Parang lahat na lang, mula noong 13 years old ako, ayaw niya.

“Ano ba talaga ang gusto niya for me?

“Puwedeng siya na lang ang mag-set up sa akin para malaman kung yung type niya, type ko rin?”

Nagawa na ba niyang i-dare nang ganun ang kanyang mommy?

“Hindi, ide-dare ko siya tomorrow!” natawang sagot ni Ruffa.

Paano yun, may Jordan na siya?

“Hindi, ide-dare ko siya. ‘Kung ayaw mo kay Jordan or ayaw mo kahit kanino, ano ba talaga ang gusto mo? Sige nga, ikaw ang magpakilala sa akin.’”

ANNABELLE WORRIES. Wala rin naman daw nakikitang anumang senyales o nararamdaman si Ruffa na hindi maganda ang pag-uugali ng bago niyang boyfriend.

Sabi niya, “Pero hindi naman natin malalaman yun.

“We have to live our lives and we have to learn from whatever mistakes we made in the past.”

Sabi rin ng mommy ni Ruffa, baka raw maging battered wife na naman siya.

“A, hindi, marunong na ako. Magaling na akong sumuntok.

“Baka sila ang maging battered!” natatawang biro ni Ruffa.

Kilala at tanggap naman daw ng dalawang anak ni Ruffa si Jordan.

“My kids naman, I have raised them to be mature and they understand the situation.

"Natutuwa ako na alam nila and they are very accepting."

Lumalabas din sila kasama ang mga anak niya?

“Oo, minsan tinuturuan niyang mag-French.”

Posible na bang mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Jordan?

Tugon ni Ruffa, “Ay, hindi ko pa iniisip yun.

“Para sa akin, what I’m really focused now is providing for my kids in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi na rin tayo bumabata. I have two kids and I’m a single working mom.

“Importante talaga na i-secure ko ang future nila.”

Sa Paris naka-base ang boyfriend ni Ruffa, pero pabalik-balik daw ito ng bansa dahil na rin sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN