Angel Locsin admits Gov. Vilma Santos often teases her and boyfriend Luis Manzano about wanting a grandchild

"Walang pressure. Ako lang, personal yun, ha? E, kasi walang baby na sa family. Yun lang yun," says Gov. Vilma Santos right after ribbing Angel Locsin about wanting to have a grandchild soon.


Inihayag ni Batangas Governor Vilma Santos sa harap mismo ni Angel Locsin na nais na niyang magkaroon ng apo.

Bagay na ikinatawa ng entertainment reporters sa isang panayam pagkatapos ng story conference para sa pelikulang pagsasamahan nina Vilma at Angel ngayong taon.

Dito ay tinanong ang gobernadora kung gusto na niyang magkaroon ng apo mula sa panganay na anak na si Luis Manzano, na boyfriend naman ni Angel.

Si Luis ay 33 taong gulang, habang si Angel ay 29.

“Ay, yeah!” bulalas ni Gov. Vi, base sa inilathalang video ng ABS-CBN News Online, Huwebes ng hapon, March 19.

Ngunit agad ding nilinaw ng Star For All Seasons na ayaw niyang pangunahan ang magkasintahang Luis at Angel pagdating sa kanilang future plans.

“Walang pressure. Ako lang, personal yun, ha?

“E, kasi walang baby na sa family. Yun lang yun,” paliwanag ni niya.

Sa parte ni Angel, inamin ng Kapamilya actress na ang totoo ay sanay na siya sa pabirong hirit ni Gov. Vi tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon ng apo.

Hindi kaila sa publiko na malapit si Angel sa pamilya ni Luis, lalo pa’t madalas ding ibahagi ng magkasintahan ang ilan sa mga larawan nila kasama si Gov. Vi, Senator Ralph Recto, at Ryan Christian.

“’Pag nagkikita po kami, sinasabi naman niya naman po yun. So, hindi naman po siya bago,” nakangiti at bahagyang nahihiyang pag-amin ni Angel.

Pagkatapos ay inihayag din ni Angel na sa ganoong mga pagkakataon ay binibiro niya ang bunsong anak ni Gov. Vi na si Ryan na ito na ang maunang lumagay sa tahimik.

“Hindi, kasi si Tita mahilig sa bata.

“Sabi ko naman, ‘Si Ryan wala namang ginagawa.

“Bakit hindi siya ang sumuporta, tumulong sa pamilya, ‘di ba?

“Ryan, ano ba, step up!” natatawang lahad ni Angel.

Ngunit ayon kay Gov. Vi, sadyang si Luis ang pinariringgan niya, lalo pa’t 18 years old pa lang ang nakababatang kapatid ng huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang dugtong pa ng gobernadora, “Yung dalawa kung anak, ‘Kung hindi pa puwede si Lucky, si Ryan…’

“Disiotso pa lang yung anak kong isa, utang na loob naman!”

Sa kasalukuyan ay wala pang official title ang pagsasamahang pelikula nina Vilma at Angel, kung saan kasama rin si Xian Lim at ididirehe ni Joyce Bernal sa produksiyon ng Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN