Jessy Mendiola on possibility of reconciliation with ex-bf JM de Guzman: “Bakit hindi? Love is sweeter the second time around.”

Jessy Mendiola describes her current relationship with ex-bf JM de Guzman: “Siguro ngayon, we’re on the page where we want to focus on our goals but at the same time we want to be friends.”


Sa pagbabalik-showbiz ni JM de Guzman pagkatapos ng matagal-tagal na pamamahinga, mukhang hindi lang ang kanyang showbiz career ang binabalikan ng aktor kundi maging ang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola.

Bali-balita na nagpapadala nga raw ng bulaklak ang aktor kay Jessy at halatang nanunuyo. Mukhang wala namang problema kung magkakabalikan ang dalawa lalo’t pareho naman silang single sa ngayon.

Sa presscon ng Century Tuna kung saan pinakilala sina Jessy, Elmo Magalona, James Reid, at Paulo Avelino bilang product endorsers nung nakaraang Martes, March 17, sa New World Hotel sa Makati, agad na tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktres kung may pag-asa ba ang panliligaw sa kanya ng dating kasintahan.

Ayon kay Jessy, “Bakit hindi? Love is sweeter the second time around.

“Naniniwala ko sa forgiveness pero let’s just say na nasa point kami ngayon na ang goals muna namin is yung career namin.

“Hindi kami nagkabalikan.

“Kung nanliligaw ba siya? Siguro mas mabuting siya ang tanungin ninyo tungkol dun. We are good friends right now.

“Sa mga nangyari dati, nagkapatawaran na kami so siguro ngayon we’re on the page where we want to focus on our goals but at the same time we want to be friends.”

FLOWERS. Sa simula, ayaw magbigay ng anumang detalye ni Jessy tungkol sa flowers na natatanggap niya mula sa aktor.

Pero 'di nagtagal, ani Jessy, “Totoong may nagpapadala ng flowers. Tanungin ninyo na lang siya, tanungin ninyo siya uli.

“Goal din niya na magpasaya. Tanungin natin siya, tanungin ninyo na lang siya."

Minsan nga raw, may kasama pa yung flowers.

"Hindi, iba-ibang flowers, may pastilyas pa nga, e. ”

BOTH BUSY WITH CAREERS. 'Di naman itinago ni Jessy na laging magiging espesyal para sa kanya si JM.

“Oo naman, he will always be in my heart,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan lang ay nakitang nag-date sina JM at Jessy kasama ang ilang kaibigan para panoorin ang pelikulang That Thing Called Tadhana na pinagbidahan ni JM, kapareha si Angelica Panganiban.

Ayon kay Jessy ay hindi na nasundan ang paglabas nila ng ex-boyfriend pero masaya siya na nakabalik na ito sa showbiz at abala ngayon sa mga proyekto.

“Hindi, kasi busy kami pareho.

“Nakakatuwa sa part niya at sa part ko rin siyempre. Imagine sunud-sunod ang pelikula niya.

“He’s actually getting the recognition he deserves kasi he’s really, really a good actor and he’s a good person.

“Happy ako na parehas kaming busy, parehas kaming maraming work. Bigyan naman natin ng panahon na umangat,” lahad pa niya.

CLUELESS ABOUT MEG. Samantala, sa isang interview namin kay JM ay inamin nito na muntik na niyang ligawan si Meg Imperial.

Nang hingin namin ang reaksiyon ni Jessy tungkol dito, aniya, “Ay, wala akong alam tungkol diyan,” mabilis niyang tugon.

THRILLED WORKING WITH RICHARD AND DAWN. Magbabalik serye sa Will Never Say Goodbye kapareha si JC de Vera at kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Kinuwento ni Jessy na hindi na pala sila gaanong nagkikita ngayon ni JC kaya masaya siya na makatrabaho ito.

“Okay naman kami.

“Well, 'di ko kasi masyadong nakaka-eksena si JC. More on family lang, si Ms. Dawn and Kuya Richard pa lang ang nakaka-eksena ko.

“Ang tagal ko nang 'di siya nakikita pero nag-uusap pa rin naman kami like pag nasa taping kami or on call siya or ako ang on call.

“Nangungumusta siya sa set, yung mga nagaganap."

Natutuwa rin siya na nakasama ulit sina Richard at Dawn.

“Masaya, sobrang saya, si Kuya Richard nakatrabaho ko na siya dati sa The Trial, si Ms. Dawn, first time.

“Sobrang bait nilang dalawa 'tapos sobrang sweet nila on set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga kay JC, 'Naku JC, kailangan din nating pakiligin ang mga tao kasi sila, naging mag-ex na, nagpapakilig pa rin.'

“Ganun yung pressure pero at the same time masaya ako, kasi imagine, parents ko sila Ms. Dawn and Kuya Richard,” pagmamalaki ni Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN