Kris Aquino says PNoy told her to be nice to Miss Universe-Philippines 2015 Pia Wurtzbach

Kris Aquino relates that PNoy asked her to be "nice" to Pia Wurtzbach during her live interview in The Buzz. During the actual interview, Kris told Pia, “Initiative niya na sabihan ako to be nice. Hello! I’m so nice. Dina-doubt mo ba yung niceness ko?”


Sa live episode ng The Buzz ngayong March 22, naikuwento ng host na si Kris Aquino na ibinilin sa kanya ng kuya niyang si President Benigno “PNoy” Aquino III na maging “nice” kay Miss Universe-Philippines 2015, Pia Wurtzbach.

Nag-post din si Kris sa kanyang Instagram account tungkol sa pagbilin sa kanya ni PNoy kay Pia.

Tanong ni Kris: “Ba't ako nasabihan to be nice?” tanong ni Kris.

Dagdag ng co-host niyang si Boy Abunda, “That’s a killer question.”

Paliwanag naman ni Pia, “Because I mentioned I was going to be here sa The Buzz.

"And I said that I’ll be a little bit nervous because I saw the teaser, nakalagay na 'Pia Wurtzbach, sasagutin na ang mga tanong sa kanya tungkol kay Phil Younghusband at PNoy.'

“Nung nakita ko yun, sabi ko, 'Ay, hindi tungkol sa pagkapanalo ko.'

"So I was preparing myself for the questions already and I told him...

“I didn’t say it to tell you na to be nice to me, of course not, it didn’t come from me, but...”

Singit ni Kris, “Initiative niya na sabihan ako to be nice. Hello! I’m so nice.

Tanong pa ni Kris kay Pia: "Dina-doubt mo ba yung niceness ko?”

Sagot naman ni Pia, “No, of course not.”

Patuloy ni Kris, “I love him, tingnan niyo yung ngiti sa dami ng mga problema.

"Kung kinikilig at 55 years old, why not? Karapatan niya yun.”

Nilinaw naman ni Boy kay Pia ang isyu tungkol sa kanila ng soccer player na si Phil Younghusband.

Tanong ni Boy: “Are you dating or did you date Phil Younghusband?”

Sagot ni Pia, “We did date for a while, and then when the news came out na na-link ako sa kanya, hindi na kami nagdi-date noon, although we remain friends now.”

Ikinatuwa naman ito ni Kris na muling sumingit, “A, so tapos na? Oh my God, so okay na?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga dagdag na tanong naman si Kris para kay Pia.

You like music?

“Yes, I do.”

“He loves music, e. You like action? Movies na action?”

“Puwede na.”

“You read a lot?”

“I do in my spare time.”

Nagtanong pa ulit si Kris kay Pia, “Okay lang sa 'yo outdoors? Going outdoors? Okay sa 'yo ang firing range? 'Tapos mga combat-combat na mga ganun?”

Sagot ni Pia, “I don’t really like staying indoors. Wow, that sounds really interesting! Yes!”

Paliwanag ni Kris, inaalam niya lang kung may common interests si Pia at ang kanyang kuya dahil sabi diumano ng bunsong anak niyang si Bimby na importante ang may “common interests.”

Mukhang aprub naman si Kris kay Pia na sinabihan niya pa bago matapos ang segment, “I’ll give you my number, text me anytime. I’ll be so nice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN