Vice Ganda confirms reconciliation with Daniel Padilla: "Love, love, love na ulit kami ni Daniel!"

Last Saturday, March 21, Vice Ganda sponsored a special block screening of the movie Crazy Beautiful You following his reconciliation with Daniel Padilla. "Ganyan naman kami, lagi naman kami nagtatampuhan niyan. Pero wala lang, ‘pag nagkita kami, super ok kaming dalawa agad," says Vice Ganda, who’s also close friends with Daniel’s mom Karla Estrada.


Tinuldukan na nina Vice Ganda at Daniel Padilla ang tampuhan sa pagitan nila na tumagal ng isang buwan.

Noong Miyerkules, March 18, ibinahagi ni Vice sa kanyang Twitter followers ang tungkol sa hindi inaasahang pagkikita nila ni Daniel sa isang embassy.

Ayon kay Vice, isang “mahigpit na yakap at lamukos ng mukha” lang ang katapat at hindi na kinailangan ng masinsinang pag-uusap upang tuluyan nilang kalimutan ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

Nag-ugat ito sa pagrereklamo ng ilang fans ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo—o mas kilala bilang KathNiel—tungkol sa diumano’y maiksing exposure ng dalawang lead stars ng Crazy Beautiful You sa February 22 episode ng Gandang Gabi Vice (GGV).

Read: Vice Ganda on Kathniel fans: "Di na nga nagpasalamat, nagalit pa..."

Sabi ni Vice sa magkasunod niyang Twitter posts noong March 18:

Noong araw ding iyong ay inamin ni Vice sa It’s Showtime na isang buwan silang hindi nagpansinan ni Daniel dahil sa nangyaring insidente.

“Ang saya ko kasi nagkita kami ni Daniel Padilla sa embassy.

“E, ‘di ba, nag-aartihan kami lately ni Daniel?

"Mag-iisang buwan na kaming hindi nagpapansinan. May samaan kami ng loob.

“Kanina nagkita kami ta’s nagyakapan kami. Ang saya-saya lang.

“Bati na kami ulit. Love, love, love na kami ulit ni Daniel!” masayang pagbabalita ni Vice sa naturang programa.

Patunay na maayos na ang lahat sa pagitan nila ay ang inihandang special block screening ni Vice ng pelikulang Crazy Beautiful You, kasama sina Daniel at Kathryn, noong Sabado, March 21.

Sa hiwalay na panayam ng The Buzz, inamin ni Vice na si Daniel ang unang gumawa ng hakbang upang kausapin siya.

“Kasi mas maarte ako, e. E, hindi naman siya maarte.

“Ganyan naman kami, lagi naman kami nagtatampuhan niyan.

“Pero wala lang, ‘pag nagkita kami, super ok kaming dalawa agad,” sabi ni Vice.

Sa parte ni Daniel, iginiit ng nakababatang aktor na sadyang malalim ang samahan nila ni Vice at hindi ito basta-basta mabubuwag ng simpleng tampuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman. Mahal namin ‘to ng nanay ko [Karla Estrada]. Buong pamilya namin, mahal siya,” ani Daniel.

Nauna nang inihayag ni Karla na hindi big deal ang nangyaring tampuhan sa pagitan ng anak niyang si Daniel at close friend na si Vice.

Katulad ng sinabi ni Karla noon, isang “yakap” lang mula kay Daniel ay siguradong magkakaayos na sila ni Vice.

Read: Karla Estrada says friendship with Vice Ganda not affected by bashing of some KathNiel fans


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN