TV5 stars Mark Neumann, Shaira Mae, Nicole Estrada pressured over HK Disneyland’s production of Wattpad Presents

Isa sa pinaka-highlight ng second season ng Wattpad Presents ng TV5 ay ang Magic In You episode, kung saan nakipag-tie up sa Kapatid network ang Hong Kong Disneyland. Halos sampung araw ang shoot ng episode kung saan 98 percent ng mga eksena ay kukunan sa pamosong theme park sa Hong Kong. Bida rito ang mga homegrown talents ng Singko na sina Shaira Mae, Mark Neumann, at Nicole Estrada.


HONG KONG — Inamin nina Mark Neumann, Nicole Estrada, at Shaira Mae na nakakaramdam sila ng malaking pressure para sa Wattpad Presents episode nilang Magic In You.

Bukod kasi sa kinunan ito sa Hong Kong, katuwang pa ng TV5 ang Hong Kong Disneyland sa pag-produce ng naturang episode.

Saad ni Shaira, “Sobrang pressured.

"Presurred kasi kailangan naming tapatan yung tiwala sa amin ng TV5.

"So, kailangan naming suklian, gagawin namin lahat ng best namin, at sana magustuhan ng mga tao yung episode."

Saad naman ni Mark, “Kahit sobrang nakakapagod, ginawa namin lahat ng aming makakaya.

"Bawat araw, pagkauwi ng hotel, bagsak, pero masaya kami na kami ang napili para sa episode."

Dugtong ni Nicole, “Expected naman talaga na nakakapagod, pero alam naming dapat mas lalong i-push para maganda ang kalabasan.

"Pero kahit nakakapagod, parang nagiging worth it siya kasi ang dami naming nakita today [na magagandang tanawin sa Hong Kong].

“Parang naging adventure na rin siya all in all.

"May fun, may pagod, may mga bago kaming nakikita. Ang saya lang kahit pagod.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang miyembro ng media sina Mark, Shaira, at Nicole sa second taping day nila sa Enchanted Garden Restaurant ng Hong Kong Disneyland Hotel, sa loob ng Hong Kong Disneyland, last Saturday, May 21.

(Mark, Shaira, and Nicole together with Minnie Mouse. Photo by Arniel C. Serato)

Kasalukuyang nasa Hong Kong ang production team ng Wattpad Presents ng TV5 para sa co-production venture nila ng Hong Kong Disneyland sa Magic In You episode, kung saan 98 percent ng mga eksena ay kukunan sa sikat na theme park.

MAGIC IN YOU THE MAKING. Pitong araw kukunan ang episode sa Hong Kong kung saan halos lahat ng eksena ay sa Disneyland kukunan.

Taliwas ito sa normal na episode na dalawang araw lang kinukunan sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng business unit head ng Wattpad Presents na si Camille Montano, in-adjust nila ang script para sa kanilang tie-up.

Halos two months in the making daw ang episode dahil na rin sa meetings nila kasama ang executives ng Disneyland. Isinakto raw kasi nila ang mga eksena sa mga tanawin sa theme park.

Hands-on daw ang mga tauhan ng Disneyland dahil ito ang first time nilang makipag-tie up ng isang TV5 show sa Pilipinas para na rin sa kanilang ikasampung taong anibersaryo.

Dumating din ang chief entertainment and content officer ng istasyon na si Wilma Galvante upang personal na pangasiwaan ang taping.

(Nicole, Shaira, Miss Wilma Galvante, Mark, and Miss Camille Montano. Photo by Arniel C. Serato)

Nitong nakaraang Linggo, March 22, ang TV5 chairman naman mismo na si Manny V. Pangilinan ang lumipad papunta rito upang i-check ang production ng Magic In You.

Si Mac Alejandre ang director ng episode.

THE MAGIC OF WATTPAD PRESENTS. Aminado ang tatlong Artista Academy graduates na ang Wattpad talaga ang nagbigay sa kanila ng daan upang mas makilala pa sa showbiz.

Sabi ni Shaira, “Happy naman ako sa mga projects na ibinibigay ng TV5.

"Lalo na nung dumating ang Wattpad Presents, mas nakilala kami, lumaki yung fan base namin.

"At saka, kahit sa regional, nakikilala kami.

"Kaya happy kami and thankful sa TV5 kasi pinagkakatiwalaan nila kami.

“Lalo na sa project na ito, na sa Hong Kong pa talaga nagsu-shoot.”

(Photo by Arniel C. Serato)

Dagdag ni Mark, “Siyempre, kasi kami homegrown talents ng TV5.

"Dito kami nagsimula, so it’s quite an honor to see ourselves growing.”

(Photo by Arniel C. Serato)

Nagpapasalamat naman si Nicole na kahit papa'no, nabigyan na siya ng mga markadong role sa shows ng Kapatid Network kagaya na lang sa Wattpad Presents: Magic In You.



(Photo by Arniel C. Serato)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN