Louise delos Reyes still not on speaking terms with ex-boyfriend Enzo Pineda

Louise delos Reyes reveals how she recovered from her slump last year. She says, "Parang kinakausap ko ang sarili ko na, ‘Hindi ikaw ‘yan. Kilala kita, e, ikaw yung goal-oriented.’ Parang yung mga tao, nilalayuan ka na, kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo. So, yun ang naging wake-up call sa akin na, ‘Tama na, you had enough.’"


“Huwag na nating pag-usapan yun!”

Ito ang natatawang sabi ng Kapuso actress na si Louise delos Reyes nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit wala pa siyang bagong boyfriend o karelasyon ngayon.

Matagal-tagal na rin kasi mula nang mag-break sila ng ex-boyfriend niyang si Enzo Pineda at mula nang ma-link sila ni Aljur Abrenica.

Bakit wala pa? Na-trauma ba siya sa mga pinagdaanan niya noon?

Sagot ni Louise, “Hindi naman ako na-trauma. Parang I want to love myself first.

“Parang this year kasi, gusto ko munang mag-focus sa career ko, personal life, na hindi sa boyfriend.

“Parang gusto ko na okey ako sa mga friends ko.

“Meron akong set ng friends na talagang matatakbuhan ko.

“Yun ang pinagkakaabalahan ko.

“Sabi ko nga, ang relasyon naman, nandiyan lang ‘yan, e.

“Kung talagang para sa ‘yo ang isang tao, kusa siyang darating. Hindi mo kailangang pilitin.”

Nakausap ng PEP si Louise sa Kapuso Weekend in Dapitan, sa Dakak Park and Beach Resort, noong Sabado, March 21.

KYLIE AND ALJUR. Bumalik na rin ba sa dati pagkakaibigan nila ni Kylie Padilla, na nakaalitan ni Louise dahil sa pagkakaugnay niya sa boyfriend ng una na si Aljur.

Sagot ng 22-year-old actress, “Hindi ko masasabi and I can’t say anything about it.

“Pero we’re good, we’re good… at saka nagkakasama rin kami sa prod [production number].

“At saka, palagi ko naman sinasabi na I always see her as my little sister pa rin.

“Kapag yun na ang tingin mo sa isang tao, mahirap nang baguhin.”

Ano ang reaksiyon niya sa balitang tila nagkakabalikan na sina Kylie at Aljur?

Sabi ni Louise, “Well, sila yun e… parang whatever decision that will make them happy, I’m happy for them.

“Ako naman, at the end of the day, I’m just a good friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yun na lang ang maibibigay ko sa lahat ng tao, whether nasa past man sila, friendship na lang.

“Parang kasi, kung meron kang hinu-hold na grudge towards sa ibang tao, parang ang hirap magtrabaho.

“Ang liit-liit lang ng industry, ‘di ba?”

Patuloy niya, “Ako, last year, sabi ko, this year, ile-let go ko agad.

“I will start a new book, I will start a new relationship na back to zero.

“Medyo mahirap siyang gawin kasi siyempre nature ng babae na ibalik mo, ibalik.

“Pero wala namang tutulong sa ‘yo kung hindi sarili mo lang.

“Wala namang magsasabi sa ‘yo na mag-move on ka na, tama na.

“2015 na, ‘di ba, sarili mo lang din.

“Kahit na anong sabihin ng ibang tao, kung ang thinking mo, yun at yun din, wala rin.”

ROLLERCOASTER. Aminado si Louise na naging mahirap ang 2014 niya. Pero ngayon daw ay okey na siya.

“Honestly, yung 2014 ko, rollercoaster na bumangga, na tumabingi!” natawa niyang sabi.

“Na parang after having this project na sobrang ganda [Kambal Sirena], it ended, ‘tapos ang dami-raming isyu.

“Parang hindi lang isyu sa showbiz, sa sarili ko, sa relationship ko with everyone.

“Parang sabi ko, alam mo yung napapamura ka na lang sa sarili mo na, 'Ano ang nangyari? What went wrong?'

“Saan ko sisimulan na sasabihin ko na ito ang simula, na nadiskaril ako?

“Pero lahat ng pinagdaanan ko, yun ang nagpatibay sa akin ngayon,” saad ni Louise.

Paano siya nakapag-cope up?

“Kasi, honestly, nawalan ako ng kaibigan.

“Ayokong magtrabaho and I just want to eat and eat and eat!” natawang pag-amin niya.

Para siyang nag-stress eating?

“Oo, the more na sinasabi nilang you’re so fat, kain pa rin ako nang kain.

“Parang yun… hindi ko talaga inalagaan ang sarili ko. Walang direksiyon.

“Pero nagkaroon ako ng direction na, ‘Hoy!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, late na… mga October, November na yata yun.

“‘Di ba, ang dami mong plano sa sarili mo?

“Parang kinakausap ko ang sarili ko na, ‘Hindi ikaw ‘yan. Kilala kita, e, ikaw yung goal-oriented.’

“Parang yung mga tao, nilalayuan ka na, kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo.

“So, yun ang naging wake-up call sa akin na, ‘Tama na, you had enough.’

“Okey, nandiyan ang pain, but don’t dwell on it. Make something productive.

“Sumama ka sa ibang tao, find new friendship."

Saad pa ni Louise, “’Tapos, binalikan ko ulit ang mga kaibigan ko noong high school, noong college, kasi sila yung nakakakilala sa akin.

“They always keep me grounded.

“Kaya sabi ko, maganda na rin na nangyari siya.

“Masakit siya, pero hindi ko nire-regret na yun ang naging desisyon ko.

“Kasi, wala akong learning na ganito, wala akong enlightenment na ganito kung hindi nangyari yun.”

ENZO PINEDA. Kinamusta rin namin kay Louise ang relasyon nila ngayon ng dating boyfriend na si Enzo Pineda.

Umiling si Louise nang tanungin namin kung okey na ba sila o kung nag-uusap na sila ulit.

Pero nakikita naman niyang puwede pa rin silang maging magkaibigan balang-araw?

Sagot ni Louise, “Siguro civil na lang.

“Kasi, I believe that ex-lovers can’t be friends. Friends, friend.

“Kasi, kaya kayo naghiwalay kasi meron kayong understanding.

“As friends, you jibe.”

FUTURE LAWYER? Halos mag-iisang taon nang walang teleserye si Louise pagkatapos ng Kambal Sirena.

Kumusta naman siya?

Sagot niya, “So far, so good naman.

“Kahit wala akong projects, I’m busy with work naman.

“Workshops, nag-workshop ako sa PETA, and I have series of workshop din inside GMA.

“And at the same time, nakapag-pass ako sa school ko.

“Mag-aaral po ulit ako ng Law sa San Beda.”

Tapos na ng kursong Tourism si Louise sa Lyceum University sa Dasmariñas, Cavite, noong 2013, pero gusto raw niyang ituloy ang pangarap na kumuha ng Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga nila sa akin, ‘Bilisan mo nang mag-exam kasi agawan sa slot ngayon.’

“Sabi ko, ‘Wait lang, yung TOR [transcript of records] ko.”

Corporate Law raw ang gusto niyang gawing specialization.

“Kasi, parang less stress na rin sa akin.

“Dati, gusto kong maging criminal lawyer.

“Pero sabi ko, anong ilalagay ko sa risk—buhay ko, buhay ng pamilya ko.”

Hindi na rin naman bago sa “risks” si Louise dahil ang mga kapatid niya ay puro pulis.

“Opo!” natawang pagsang-ayon niya.

“Pero talagang gusto kong maging lawyer para na rin sa kanila.

“Pero doon tayo sa business side.”

Alam daw ni Louise na posibleng matagal bago niya matapos ang Law, pero pursigido raw siyang ituloy ito.

Bilang plano niyang bumalik sa eskuwela, nandoon pa rin naman pala sa pag-aaral ang gusto niyang iprayoridad. Wala pa sa pag-aasawa?

“Meron na, meron na rin!” natawa niyang sabi.

“Kasi, parang ito talaga ang goal ko for myself, maging lawyer.

“Hindi ko siya ma-explain further, pero yun talaga ang goal ko.

“And, at the same time, I want to have my own family also.

“Gusto kong magkaroon ng anak by 29. Gusto ko yung magka-jibe kami ng anak ko.

“Parang may ganun akong side sa family. Pero ayoko pang isipin.

“Sabi ko, kusa ‘yan na darating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN