Manny Pacquiao gets a visit from Thai boxer he beat for his first world title

Manny Pacquiao and Thai boxer Chatchai Sasakul fought inside the ring in 1998. The Filipino boxer won that match that also gave him his first world title. Seventeen years later, Manny is now about to fight the undefeated Floyd Mayweather Jr.


Sunud-sunod ang mga nagiging bisita ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquaio sa kanyang training sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Kabilang na rito ang celebrity friends ni Manny, pati na ang mga kilalang athletes na nagpakita ng suporta sa kanyang nalalapit na laban kay Floyd Mayweather Jr. sa May 2 sa MGM Grand, sa Las Vegas, Nevada.

Kamakailan lang ay binisita si Pacman ng former NFL (National Football League) star quarterback Tim Tebow, na ‘tulad niya ay malakas ang pananampalataya sa Panginoon.

Tawag nga nila sa isa’t isa ay “Christian brothers.”

Read: NFL star Tim Tebow visits Manny Pacquiao

Noong March 23 naman ay laking-gulat ni Pacman nang bigla siyang bisitahin ng kauna-unahang boksingero na kinalaban niya para sa kanyang first world title noong 1998.

Ito ay ang former World Boxing Council flyweight champion na si Chatchai Sasakul ng Thailand.

Nagkasagupa sila ni Pacman para sa naturang world title noong December 4, 1998.

Katulad ni Manny, isang boxing superstar sa bansang Thailand si Chatchai Sasakul.

Lumaban siya sa 1988 Seoul Olympics Games at natalo niya ang dalawang boksingero mula sa Puerto Rico at Kenya.

Bilang amateur boxer, lumaban si Sasakul sa 85 fights at 78 dito ang naipanalo niya.

Nagawaran din siya ng King’s Cup for Best Boxer.

Sinabi ng 45-year old na si Sasakul na nagulat siya sa galing at bilis ni Pacman noong maglaban sila sa ring 17 years ago.

Nineteen years old lang noon si Pacquiao.

Hindi raw naisip ni Sasakul na magiging isang sikat na boksingero si Pacquiao at hahakot ng 8-division world titles.

“He fought so fast. The power… more!” sabi ni Sasakul sa panayam sa kanya ng L.A. Times.

Nagretiro na sa boxing si Sasakul noong 2008—with a record of 65-4 with 40 knockouts, winning 19 consecutive bouts—pagkatapos siyang matalo kay Pacman.

Ngayon ay isa na siyang trainer para sa mga kabataan sa Thailand na gustong maging boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong malaman daw ni Sasakul na nasa L.A. si Pacman, hindi siya nagdalawang-isip na bisitahin ang Filipino boxer na umagaw sa kanyang titulo, at ngayon ay nalalapit nang humarap sa ring kontra kay Floyd Mayweather Jr.

Nagkuwentuhan sina Pacman at Sasakul at natandaan pa nga ni Pacman kung gaano kabilis napagod si Sasakul sa laban nila.

“You got tired, remember? You were breathing hard,” sabay ginaya pa ni Pacman ang paghingal ng Thai boxer.

Dagdag pa ni Pacman: “But he was good. I guess I got lucky.”

Unang binisita ni Sasakul si Pacman sa Pilipinas noong 2014.

“He said, ‘Chatchai, whenever you come here, stop by,” pag-alala pa ni Sasakul sa sinabi sa kanya Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN