Jake Vargas still willing to be paired with Bea Binene despite their breakup

Jake Vargas: "Habang tumatagal, nagma-mature din tayo at natututo sa pinagdadaanan. Sabi nga natin na ang experience ang sa buhay ang magiging dahilan para maging matatag ka sa buhay. Basta masasabi ko ngayon na happy ako, kasama ng family ko, at happy ako kasi ’di ako nawawalan ng trabaho."


Ngayong nalalapit na Semana Santa ay balak ng Kapuso young actor na si Jake Vargas na pumunta ng Bicol para magnilay-nilay at isabay na rin ang bakasyon kasama ang kanyang pamilya

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Wala naman kasi akong trabaho sa Mahal na Araw at sa susunod pang mga linggo dahil nakapag-taping na kami ng Walang Tulugan with the Master Showman, Pepito Manaloto, at wala ring Sunday All Stars nun.

"Kaya pupunta ako ng Bicol kasama ng family ko.

"Siguro dun kami magninilay-nilay, magsisimba nang sabay-sabay.

"Bale pahinga ko na rin yun sa dami ng trabahong ginagawa ko lately. Bale yun ang masasabi kong pahinga ko.

"Siguro magsu-swimming kamiā€¦ walang iniisip na trabaho, bonding lang sa family.

"Hopefully, makasama din yung ibang mga close friends ko 'pag pinayagan sila ng parents nila."

Baka raw sa Caramoan sila pumunta.

Nakapanayam ng PEP si Jake nang pumasyal sa sa dzBB 594 kamakailan.

MOVING ON. Ang pagbabakasyon niya ba sa Bicol ay isang paraan din para mas mabilis maka-move on sa hiwalayan nila ni Bea Binene?

Sagot ni Jake, "Walang ganun, ayoko namang isipin na yun ang reason kaya ako pupunta dun.

"Minsan naman kasi kailangan nating magsaya para makalimutan natin ang mga problema, pagod sa trabaho, at para maka-recharge na rin.

"Okey na ako ngayon, masaya ako.

"Bakasyon ang ipupunta ko sa Bicol kasama ng family ko at hindi yung para maka-move on.

"Ayoko nang ma-stress, ayoko na ring magproblema, enjoy lang sa buhay."

Natatawa pa niyang dagdag, "Bata pa ako, mabilis daw makatanda ang problema kaya chill lang, relax, at kailangan laging masaya.

"'Tsaka ayoko na rin namang pag-usapan yung mga ganung bagay, quiet na lang ako.

"Tapos na, marami na akong napagdaanan.

"Kaya ko naman ang sarili ko, malaki na ako.

"Habang tumatagal, nagma-mature din tayo at natututo sa pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga natin na ang experience ang sa buhay ang magiging dahilan para maging matatag ka sa buhay.

"Basta masasabi ko ngayon na happy ako, kasama ng family ko, at happy ako kasi 'di ako nawawalan ng trabaho."

NEW PARTNER. Ngayong break na sila ni Bea, bukas ba si Jake na magkaroon ng bagong ka-loveteam?

Tugon niya, "Depende kasi 'yan sa GMA-7... sila ang nakakaalam ng kung ano ang maganda.

"Ako naman kasi, susunod lang sa gusto nila.

"If ipapareha nila ako sa iba, okey lang naman.

"Pero nakakapanghinayang din naman, matagal-tagal na rin naman kaming magkasama [ni Bea] at okey naman yung loveteam namin.

"Okey naman kami pagdating sa trabaho, kaya puwede pa rin naman kami na magsama sa proyektong ibibigay nila sa amin.

"'Tsaka sayang naman ang JaBea [loveteam] at alam kong marami kaming mga fans na malulungkot."

Nakapag-usap na ba sila ulit ni Bea?

"Wala pang insidente na nakapag-usap kami ulit.

"Pero nagkakasama kami sa show, like sa Sunday All Stars o kaya sa Vampire ang Daddy Ko 'pag naggi-guest ako dun, o naggi-guest naman siya sa Pepito Manaloto.

"Nagakakasama at nakakapag-usap lang kami sa mga eksena na magkasama kami, ganun lang, pero walang kuwentuhan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN