Is Mark Herras ready to go sexy and daring?

Mark Herras on working out: “I’m happy kasi, yun nga, sinipag akong mag-workout. I feel much better. Nararamdaman ko sa sayaw ko na mas magaan akong sumayaw. Mas active ang katawan ko and I have basketball once a week.”


Nag-trending si Mark Herras sa Twitter noong Linggo, March 22, dahil sa pagpapakita niya ng katawan sa musical-variety show ng GMA Network na Sunday All Stars.

Sa halos lahat kasi ng segment niya sa nasabing show ay naka-topless ang kauna-unahang StarStruck male winner.

Ginawa ang naturang episode ng Sunday All Stars—na hudyat na rin ng simula ng kanilang summer special—sa Dakak Park and Beach Resort sa Dapitan, Zamboanga.

Natawa nga si Mark nang biruin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagti-trending niya sa social media.

Sabi naman niya, “First time ko yun ginawa sa SAS.

“Ang alam ko talaga that day, puro hubad ang segment ko, starting sa ‘SAS Prime,’ pati ‘Felix Bakat’ namin.

“Lahat talaga ng prod ko, may ganun.

“Nag-trend siya at nag-thank you naman ako sa grupo ng SAS for giving me that.”

Simula na ba ito ng pagpapaseksi pa niya?

Sagot ni Mark, “Well, hindi ko masabi, kasi may ginawa akong show, pero hindi ko pa puwedeng sabihin.

“Ilu-launch siya, I think, April. Pero hindi ko pa rin puwedeng sabihin baka ma-preempt.

“’Tapos, puro hubad din.”

NEW IMAGE? Senyales na yatang kailangan na talaga niyang magbago ng image?

“Hindi ko alam… kasi sabi ko sa sarili ko, malamang na naririnig niyo palagi sa akin ‘to.

“Kapag sinasabi ni Tito Joey [Abacan], ‘O, mag-Cosmo ka next year, magpaganda ka ng katawan.’

“Ako naman, ‘Sige po.’ Pero hindi ko ginagawa.

“This time, nakuha ko na yung hilig ko sa workout.

“Kasama siya sa everyday lifestyle ko and since ngayon, hindi naman ako busy, wala naman akong soap na ginagawa.

“I go to gym from Monday to Saturday, kasi kapag Linggo, sarado.”

Sabi ni Mark, gusto pa niyang magpalaki ng katawan.

“I’m happy kasi, yun nga, sinipag akong mag-workout. I feel much better.

“Nararamdaman ko sa sayaw ko na mas magaan akong sumayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas active ang katawan ko and I have basketball once a week.”

Dagdag niya, “Siyempre, 28 na rin.

“Kahit na sinasabi nilang bata pa ‘yang 28, pero kapag ganun ang age mo at malapit ka nang mag-30, siyempre kailangan mong alagaan ang sarili mo.

“Mahirap na mahirap kang magkaroon ng injury or magkasakit dahil siyempre, hindi na rin naman... kumbaga, matanda na nga rin po.

“Ako naman, I’m doing this not naman na ito ang ibigay na trabaho sa akin ng GMA, paghubarin nila ako.

“Pero I’m doing this for myself.

“Kasi, for a couple of years, parang puro na lang ako paasa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN