Mark Herras is crazy about his first child

Mark Herras on being father to daughter Ada: “Being a dad kasi, life-changing siya. Siguro kaya siya ibinigay ni God, kasi sabi ni God, ‘Bibigyan na kita ng anak para magtino ka! Bibigyan kita ng anak para mamirmi ka. Ito ang magiging kabiyak ng puso mo for a very long time.’ I’m so happy naman."


Ang huling teleseryeng ginawa ni Mark Herras ay ang Rhodora X, kasama ang StarStruck batchmates niyang sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. Noong mid-2014 pa natapos ito.

Hindi ba siya naiinip o nagtataka na wala pa rin siyang bagong teleserye sa GMA Network?

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre ako, parang, ‘Bakit kaya ganun?’

“Well, a lot of GMA talents naman, a lot of friends of mine, kapag nagkausap, ‘Oo nga, wala pa rin akong ginagawa.’

“Pero ako naman, okey, steady lang.

“At least, hindi ako nabu-bore tulad dati na walang ginagawa.

“Ngayon kasi, nakakapag-spend pa ako ng maraming oras sa anak ko and she’s growing too fast.

“Ako naman, natutuwa dahil natutukan ko ang paglaki ni Ada.”

Pero may bago na raw siyang gagawing programa.

Hindi raw ito teleserye, pero hindi pa lang niya puwedeng sabihin.

“Siguro before matapos ang April, malalaman niyo na rin yun.

“Natutuwa ako kasi it’s a new show for me.

“Okey naman ako. Normal naman na naiinip, pero I’m good.

“Nakakatawid naman ako at saka okey naman ang buhay ko.”


MARK’S DAUGHTER. Isang taon at apat na buwan na ang anak ni Mark na si Ada.

Makikita sa mukha ni Mark ang pagmamahal para sa anak kapag ito na ang pinag-uusapan.

Masayang kuwento nga niya, “Ang isang salita niya na nasasabi, ‘Wow!’

“Hindi ko alam kung saan niya nakuha. Sa nanay niya yata.

“Pero ako naman, umpisa pa lang, sinabi ko na kapag lumaki si Ada, siguradong magiging spoiled sa akin ang bata. Sobra!

“Ni dampi siguro ng kamay, hindi ko mapapalo yung anak ko na yun.

“May nagsasabi na huwag masyado, baka ma-spoiled.

“Bahala kayo, basta mai-spoil ko ang anak ko na yun.”

IN LOVE WITH… Nang mabanggit naman ang tungkol sa lovelife, natatawang sabi ni Mark: “Wow! Ang tagal ko na kayang walang girlfriend, two years!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila bago yata sa kanya na maging single nang ganun katagal?

“Life-changing yung anak ko,” pag-amin niya.

Patuloy ni Mark, “Wala pa, e, wala pa talaga.

“At saka, hindi naman ako nagtatago ng babae sa buhay ko.

“Kung meron man, nagsasabi ako agad.”

Hindi kaya kaya wala pa rin siyang bagong karelasyon dahil nandoon pa rin ang pagbabakasakaling magkabalikan sila ni Ynna Asistio?

Sabi ni Mark, “Kami ni Ynna? Hindi naman…

“Kasi kung magkakabalikan kami, kailangan ba na mag-two years pa? Ano pa ba naman ang kailangan kong patunayan?

“Parang hindi na, siguro masyado lang akong ano…

“Kasi, sabi nga ni Ate Regine [Velasquez] nang mag-guest kami sa Sarap Diva, ‘Alam mo, Mark, mahihirapan ka rin magkaroon ng girlfriend. Kasi the way kang magkuwento tungkol sa anak mo, sobra kang in love sa anak mo.’”

Bilang isang ama, anu-ano ang mga nadiskubre niya sa kanyang sarili?

Sagot ni Mark, “Being a dad kasi, sabi ko nga kanina, life-changing siya.

“Siguro kaya siya ibinigay ni God, kasi sabi ni God, ‘Bibigyan na kita ng anak para magtino ka! Bibigyan kita ng anak para mamirmi ka. Ito ang magiging kabiyak ng puso mo for a very long time.’

“I’m so happy naman.

“Alam niyo naman ako kapag stress ako or may problema ako sa girlfriend.

“But I’m so focused with Ada.

“Okey ako ngayon with Ada and a lot of guesting with GMA and upcoming show sa GMA, so okey naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN