StarStruck alumnus Prince Stefan is now with Viva Artists Agency

Prince Stefan on film or TV roles: "Hindi naman po tayo choosy. Basta po may work, walang problema. Puwede naman daw po akong kontrabida dahil may anggulo na mukha talaga akong kontrabida. Puwede rin naman akong gumanap na kuya ng mga baguhan ngayon. ’Tulad ni James Reid, magkahawig daw kami kaya puwede kaming magkapatid."


Nasa poder na ng Viva Artists Agency (VAA) ang StarStruck 4 First Prince na si Prince Stefan.

Pumirma ng exclusive contract sa VAA si Prince noong February 15, at nagsimula na siya sa ilang workshops at hosting gigs.

Matagal na raw walang kontrata si Prince sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network. Nag-expire ang kontrata niya sa GMA noon pang 2012.

Natutuwa ang former Kapuso actor na pagkatapos ng ilang taong walang nag-aasikaso sa kanyang showbiz career, dumating ang VAA ilang araw pagkatapos ng 26th birthday niya noong February 13.

Lahad ni Prince sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Best birthday gift po iyon para sa akin.

“Matagal na akong naghahanap ng kung sino ang puwedeng mag-manage sa akin.

“After po kasi na matapos ang contract ko with GMA Artist Center, nahirapan akong makahanap ng work.

“Mabuti na lang at may mga mababait na tao na tumulong sa akin na makakuha ng guest roles sa TV5 at sa ABS-CBN.

“’Tapos may naglapit sa akin kina Ms. Veronique del Rosario-Corpus at Boss Vic del Rosario sa VAA.

“Akala ko po hindi nila ako magugustuhan. Hanggang sa sabihan na ako na pipirma na ako ng kontrata with VAA.

“That happened a few days after my birthday.

“Kaya sobra akong natuwa kasi sinagot ni Lord ang dasal at birthday wish ko na may mag-manage naman sa akin dahil gusto ko pang ipagpatuloy ang showbiz.”

VIVA WORKSHOPS. Bilang VAA artist, naka-attend na si Prince ng iba’t ibang workshops kunsaan nakasama niya ang iba pang Viva stars ‘tulad nina Mark Bautista, Sam Pinto, Sheree, Bea Rose Santiago, at Meg Imperial.

Saad niya, “Masaya po ang workshops namin.

“First time kong makasama sina Mark, Sam, at ibang mga kapatid ko na sa VAA.

“Mababait po sila at pare-pareho kaming may mga natutunang bago sa mga workshops namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka na-miss ko nga ang ganito. Before kasi noon, sa StarStruck, ganyan kami.

“Sobra ko lang na-miss ang ganitong klaseng samahan.

“Ngayon, I am with my new family and I hope na maging maganda ang samahan namin ng VAA.”

Ang importante raw kay Prince ay may trabaho siya.

Ngayon nga raw ay puno parati ang schedule niya with hosting gigs and singing engagements.

“Uso po kasi ngayon yung mga fiesta at mga pa-contest sa mga probinsiya dahil summer, kaya madalas po akong out-of-town.

“Enjoy po ako sa mga trabahong ibinibigay sa akin ngayon.

"Kasi before, hindi naman ako nabigyan ng ganitong chance noong nasa GMA pa ako.

“Nawala na yung pagiging mahiyain ko sa maraming tao.

“Mas nag-open up na ako at mas may confidence na akong magsalita ngayon.

“Now, hinahasa nila ako sa pag-host at okey naman po ang pagtanggap sa akin.

“Sa pagkanta naman po, walang problema dahil kumakanta naman talaga ako noon pa.

“Ini-enjoy ko lang itong mga trabaho kasi matagal akong hindi naging busy.”

ACTING PROJECT. Umaasa rin si Prince na mapasama sa isang teleserye o makagawa na siya ng pelikula.

Okey lang daw kay Prince na gumanap bilang kontrabida o maging support sa mga bida ngayon.

Sabi niya, “Hindi naman po tayo choosy. Basta po may work, walang problema.

“Puwede naman daw po akong kontrabida dahil may anggulo na mukha talaga akong kontrabida.

“Puwede rin naman akong gumanap na kuya ng mga baguhan ngayon.

“’Tulad ni James Reid, magkahawig daw kami kaya puwede kaming magkapatid.

“Pero bahala na po ang VAA kung ano ang mga plano nila sa akin.

“I am just thankful that this blessing came noong kailangan ko na siya talaga.

“I will forever be grateful sa mga taong tumutulong sa akin to get me started again in this business.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN